CHP 27_Awaken

196 12 0
                                    

John Paulo's POV


            "3 days Paulo. Three days kang tulog"

"It feels like three hours. My body was sore"


Dahan dahan kong inupo ang sarili ko mula sa pagkakahiga at agad naman akong inalalayan ni Stell. Sumandal ako sa headboard ng hospital bed at pinagmasdan silang apat.


Kumakain sa table si Jah, nagce-cellphone naman si Josh at Stell sa gilid, habang nakasandal lang sa pader si Ken.


"How are you feeling?"


Kumurot ang tyan ko pagkatapos tanungin ni Ken iyon. Doon ko lang din naalala yung nangyari three days ago.


Woah.. What a huge achievement. I overcome death..



"Si Zai?" unang tanong ko.
"Kamusta si Zai?"



Sigurado akong nagdala ng malaking takot sa kanya ang nangyari that day. Nakakainis lang dahil hindi ko mapigilan ang mundo sa pagbigay sa kanya ng iba't ibang klase ng trauma.



"Kawawa siya bro. Your mother scolded her so hard yesterday. Hindi ko alam kung ano nang iniisip ni Zailee ngayon"


Napasinghap ako sa sinabi ni Stell.


"What?!"


Shit, bakit naman ginawa ni mama yun? Hindi naman kasalanan ni Zai ang lahat! Augh. Gaya ng sabi ni Vaye, she's also a victim.



"I need to see her"

Tatayo na sana ako sa pagkakahiga nang magsalita si Ken na ikinatawa nung tatlo.

"Kakagising lang ni Paulo, gino-good time niyo na agad. Don't worry, walang ginawa si tita kay Hidalgo"



Nakahinga naman ako ng maluwag at dumampot ng apple sabay bato sa direksyon ni Stell dahil sa inis. Kumirot naman agad ang tyan ko doon dahil na pwersa. Ang sakit.



"Wag ka nga munang gumalaw galaw dyan, pwede?"
Ken scolded.


Pinalobo ko nalang ang pisngi ko at sumandal ulit sa headboard.



"Dumalaw ba dito si Zai habang tulog ako?"
Tanong ko ulit habang nakapikit ang mata.



"Tignan mo toh, puro si Zai ang tinatanong. Hindi mo ba balak tanungin kung may lamang loob pang natira dyan sa tyan mo?"
Pabirong sabi ni Josh.



Ngumiwi lang ako. Alam ko namang normal lang yung katawan ko. I can feel it if something's wrong with my body.



" Araw araw dumadalaw dito si Zailee. Hindi nga lang siya pumapasok, sa labas lang siya nakaupo. Ayaw niya kasing makita ka na nakahilata dyan at maraming nakakabit na aparatos sa katawan mo"

Sagot ni Ken.


Tumango lang ako. Sa totoo lang gusto ko na din siyang makita. Nung nakita ko yung takot na mata niya nung gabing iyon, nakalimutan ko lahat ng naging problema namin. Yung away namin, biglang naglaho at ang gusto ko nalang gawin ay protektahan siya.



"How about.. Alex?"
Pangalan palang naiinis nako. Pero kailangan kong siguradohin ang kailangan niya, hindi ko na siya hahayang makalapit sa anak niya o sa sinumang babaeng kilala ko. He's insane.



Tumingin silang apat sa akin na seryoso na ang ekspresyon at salubong ang kilay.


"We sent them both behind bars"
Seryosong sabi nilang apat na akala mo'y papatay na.


My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now