CHP 34_Trip

203 11 1
                                    

Zailee's POV

            "Okay na yan, Pau! Hshshs, bilisan mo na kasi, excited nakoo!"

Singhal ko habang sinasara ang pinto sa likod ng sasakyan sabay takbo papasok sa shotgun seat.




"Kapag ikaw talaga may nakalimutang dalhin, wag mokong sisisihin"

He said then smirked. Pumasok na rin siya sa driver's seat at chineck ang ibang controls.





"Mata ko lang naman ang pinaka importanteng kailangang kong dalhin"
Sabi ko at hindi mapigilang mapapalakpak.






We're going to baguio to celebrate our first anniversary. Yes! You read it right, one year already passed! Akalain mo yun, parang kahapon lang 1st monthsary lang namin tapos next week, 1st anniversary na. Sobrang dami na naming napagdaanan ni Paulo, sobrang daming problema, tawanan, iyakan, ngitian, yakapan, halikan—ay hala spg pala yun. But anyway, back to the topic, we're both living the dream.





He's a very very intelligent accountant already and I'm here, his always-busy-girlfriend for being a successful architect. Sobrang daming projects, kaliwa't kanan ang inspection sa mga site.. Pero syempre talagang nilaan ko ang buong linggo ko itong para kay Paulo.





Walang kahit ano ang makakapagpabago ng schedule ko ngayon. Kahit na katapusan pa yan ng mundo, hinding hindi ako aalis sa tabi niya.





"Seat belt"
He reminded that made me back into my consciousness.




Ginawa ko naman ang ipinaguutos niya bago niya sinimulang paandarin ang sasakyan.



Kinuha ko muna ang phone ko nang mag ring iyon. Tinignan ko, at nakita si Rose na tumatawag sa messenger.




Hindi ko alam kung paano nangyari pero naging super close ko nga si Rose, alam mo yung biglaan akong napasok sa barkada nila.




Lowkey lang din si Rain at sobrang gaan na ng aura niya, siguro dahil kay Justin. Madami ding nagbago sa kanya simula nung naging sila nung utak batang lalaking yun. Hayy, ang ganda masyado ni Rain para kay De Dios.. Charrot, gwapo din si Jah.





"Omg, you're really leaving naaa?!"
Bungad niya pagkasagot na pagkasagot ko ng call.




"Unfortunately, yes" sabi ko sabay tawa at saglit na ihinarap ang camera sa driver ko. Gusto niya kasing sumama samin pero syempre hindi ako makapapayag! Amin lang ni Paulo ang moment na toh nuh.




"Huy, ang daya ah"
She frowned that made me laugh even more.




Tutok na tutok lang si Pau sa kalsada at hindi ako pinapansin kahit ang ingay ko na.




Nagulat naman ako nung biglang lumitaw yung mukha ni Rain sa screen ng call namin. Ang gagang Rose, sa gc pala namin siya tumawag.



"My ghad! Why does my phone always ring?"
Inis na sabi niya, hindi pa ata narealize na kami ang tumatawag. Hahaha, malamang. Kapag tumawag sa gc, mag ri-ring na lahat ng phone ng mga members. Eh buong Syclups tska kaming tatlong babae ang nasa gc eh.





"Hi Rainn! Look oh, madaya si Zailee, may vacation sila ng lover niya! Ang daya, hindi man lang nag aya! Willing naman ako magbayad ng gas a!"
Reklamo agad ni Rose.



"Masyado kang epal, Rose. Honeymoon-practice nila yan"



Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Rain kaya agad kong tinakpan ang speaker ng phone ko, pero too late! Narinig na ni Pau at ngayon ay humahagalpak na!



My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now