CHP 4_Ex

266 20 0
                                    

Zailee's POV

                     "Ayus ka lang ba talaga? Para kang bulate"

Napaismid ako habang tinitignan siyang paikot ikot sa upuan niya at panay pa ang tingin sa silong ng pintuan.


"A-ayus lang ako.."
Wika ni Ve kahit halata namang nagsisinungaling siya.


Buti nalang at tapos ko na ang plates ko for today, panay kasi ang uga ng mesa dahil kay Vaye.

Kumunot ang noo ko at napahilot sa tulay ng ilong.
Tinignan ko ang mga gamit niya sa mesa at napansing may kulang.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang spare pencil ko sa bag.

"psst!"
Pagtawag ko kay Ve na stress na stressna humarap sa akin.

Inabot ko sa kanya ang pencil na hawak ko kasabay nang pagliwanag ng mga mata niya. May tinatapos kasi siyang plates at mukhang late na kaya depress. Gulo gulo na rin ang buhok niya kakagalaw.


"S-salamat"
She said. I didn't bother to respond and took my phone to reply on some messages, especially to that mysterious S.jpn_

Funny siyang kausap kahit nasa matalinong way yung joke niya. Buti nalang naiintindihan ko kahit papano.


"May seminar pala mamayang 2pm sa hall. Punta ka. Alam ko kasing bago ka kaya hindi mo pa alam ang schedules natin"

O baka hindi? Anak kasi siya ng principal, malay mo namaster na niya ang lahat about sa University bago siya nilipat dito?


"Noted. Thank you, Zailee"
She said and i saw her sweet wide smile that made me stop and gupled.

I feel like an angel just smiled at me.

Oh, i dont deserve that.

Tumayo nalang ako at lumabas ng room. Dinama ko muna ang pwetan ng kung sinong lalaki na nakatayo sa doorway at tumawa ng malakas.

Inis pa niyang tinawag ang pangalan ko pero binigyan ko lang siya ng flying kiss sabay palo sa sariling pwet para inisin siya lalo.

Yan ang napapala ng mga humaharang sa daan ko.

Dumiretso lang ako saglit sa canteen since mukhang late ang prof ngayon. Bumili lang ako ng fruit shake na small size at nagbalak na ring bumalik.

Bakita ko pa si Paulo na napahinto rin sa paglalakad nang makita ako.

"Hi—"

Umirap nalang ako at binilisan na ang paglalakad para mawala na siya sa landas ko.

Kunti nalang iisipin ko na talaga na may gusto siya sa akin. Bakit naman kasi kahit na palagi ko siyang sinusungitan at nilalayuan ay todo pa rin siya sa pag-a-approach sa akin?

Well kung siya na naman ang ginagamit ng school para i-tame ako gaya ng ginawa dati, it's no use. No one can control me.


"Wala pa rin ang prof?"
Agad na tanong ko kay Vaye pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Kalahating natutuwa at kalahating naiinip.

Umiling siya ng dahan dahan at mukhang naiirita na rin. Inabot ko sa kanya ang isang piece ng chocolate. Mukhang nagulat siya roon at tinignan lang ang inaabot ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay nang hindi niya abutin.

"A-ah, thank you. Pero kasi hindi kami a-allowed kumain ng sweets"

Nauutal pa na sabi niya. Muntik pa akong nasamid sa iniinom kong shake at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

Sino namang tangang tao ang magbabawal na kumain ng sweets?
Oh right, his strict father.

"Kahit kalahati lang?"
Tanong ko na inilingan niya.


"Kagat?"

She sighed and gradually nodded before accepting the chocolate. Napangisi naman ako at tumingin na sa harap ko.

Doon ako tuloyang nabulunan at napaubo-ubo dahil sa nakita ko.
Natataranta pang hinagod hagod ni Vaye ang likod ko at inabutan ako ng tubig.

Ininum ko yun at pinakalma ang sarili.

"Are you okay, Ms. Hidalgo?"

Nakangising tanong ni Paulo, halatang nang-aasar.
Dahil naman sa biglaan nilang pag dating ni Ken sa room namin kaya ako nabulunan!

Matalim ko siyang inirapan at tumingin sa ibang direksyon. Bakit sila anditong dalawa?
Wag mo sabihing sila ang magha-handle ng class namin for today?!


"Asar ka ata doon?"
Bulong na tanong ni Ve sa akin.

"Obvious ba?!"
Sinasadya kong sumigaw para malaman ni Paulo na sobrang nabwe-bwesit ako sa presensya niya.

Pinaupo naman ako ni Ve at sinubukang pakalmahin.
Nakita ko pa ang ngisi ng lalaking iyon kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"Ikaw, bakit ang lagkit ng tingin mo sa Suson na yan?"
Pabalik na tanong ko, this time kalmado na.

"A-ah-h.."

Kumunot ang noo ko at naging masingkit ang mata ko pagkatapos.
Hindi siya makatingin sa akin at mukhang kinakabahan.


"Don't tell me may gusto ka dyan?"

I said as i rose my right brow to it's highest point. Hindi kami nakikinig sa sinasabi nung dalawa, basta ang alam ko lang ay tama ang hinala ko, sila ang maghahandle ng class for today since sila lang sa mga dean ang available.



" No! It's j-just.. Just.."

"Just what, Vaye?"

She sighed heavily like as if she's surrendering.
"He's my ex"
Maingat na bulong niya.

Dahan dahang nanlaki ang mga magaganda ko sa sinabi niya.
Napabalik balik naman ang tingin ko kay Ken at sa kanya, paulit ulit na ganun hanggang sa magsink in sa utak ko ang lahat.


"How come?!"
Pabulong na sigaw ko.

"Long story, basta wag mo nalang sabihin sa iba"
She said.

"Ms. Hidalgo, are you listening?"

Nawala ang amusement sa mukha ko at pairap na tumingin kay John Paulo na siyang nagtanong sa akin.

"I have ears"
Sarkastiko kong sagot.

"Then tell me what I just said awhile ago"
He even demand.

"You said you're going to discuss about Architecture's history"
Naiinip na sagot ko. Pinipigilan ang sariling mapataas ng tono.

"No, i just called you to recite infront"

Balak niya ba talagang inisin ako?! Nakakagago toh ah. Hindi naman kami high-school para kumuha ng kung sinong matalino para turuan kami sa lesson.

We're college and we need professionals!

Inis!

Padabog akong naglakad papuntang harap, sa tabi nila at sinamaan ko pa lalo siya ng tingin habang kunwari'y wala siyang nagawang masama at inosenteng nakatingin sa libro niya.


Umirap ako.


Buti nalang talaga at meron pa rin ang nakakagulat na kwento ni Vaye sa akin, kung hindi, buong araw talaga akong makukuta sa John Paulo Nase'ng ito.

My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now