Zailee's POV
"Hoy ano ba yan, ang kalat mo kumain. Parang ice cream lang eh.."
Reklamo niya habang panay ang paghaplos sa sariling mesa para linisin.Nilabas ko lang ang dila ko para asarin siya.
Dinilaan ko lang ulit yung hawak kong ice cream at hindi siya pinansin." Sino kaya dito yung namilit sa aking dito mag meryenda? *
Pagpaparinig ko habang pinapa-ikot ikot pa ang sarili sa swivel chair.
Siya naman ay nasa upuan sa harap ng mesa niya. Obviously, we're on the Syclup's office." Kung alam ko lang na ganyan ka kumain, edi sana inaya nalang kita sa labas"
Sabi niya na halata namang biro."Ah, so you're disgusted now, Nase? Osige, aalis nalang ako.."
Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang pulsuhan ko. He showed me a cute smile as a apology and then gestured me to sit down again.
Umirap lang ako at umupo ulit at palihim na napangiti. Nagbibiro lang din naman ako eh.
These past days, i was really having a good communication with him. Nagiging komportable ako at sobrang smooth lang. Wala na kaming ilangan o kung anong hardies.
Ewan ko kung parte iyon ng dare o baka talagang gumaan ang loob ko sa tabi niya. Nice kasi naman talaga siya, ewan ko kung ganun siya lahat kaya madami siyang admirers at leader pa ng Syclups.
Sinubukan ko na ring hindi lumabas labas ng unti kasama ang ibang lalaki para hindi ko siya masangkot sa issue because nga may rumours na about us.
Kelan pa ako naging ganun ka considerate, noe?
Si Ira naman, enjoy na enjoy sa panonood samin. Si Vaye, hindi siya kumikibo minsan pero sumisigaw sa mata niya ang pangangantyaw.
Haist.
"Nga pala, muntik ko ng nakalimutan.."
He said out of a sudden. He's reading a book now infront of me while wearing a glass. The glass suits him so much, lalong naging cool ang dating niya.Err.
"Ano yun?"
Tanong ko.Ngumiti pa siya ng makintab bago ulit nagsalita.
"I met your father earlier, uwi ka naman daw paminsan minsan.."Agad na nawala ang ngisi sa labi ko pati na rin ang mga emosyon sa mga mata ko.
Kung hindi ko pa nahawakan ng mahigpit, ay muntik ko rin sanang nabitawan ang hawak kong sorbetis.Napansin niya ang reaksyon ko na ikinakunot naman ng noo niya.
"You met him?"
Nagsimula nang manginig ang boses ko at kahit na anong tapang ang iharap ko sa sarili mo, umusbong pa rin ang takot."Yeah..?"
"Who allowed you to meet him?"
Napataas ang tono ng boses ko na ikinagulat niya."No, it's coinciden—"
"I don't fucking care! Don't meet him!"
Binitawan ko ang hawak kong ice cream at walang pakialam sa kalat na nagawa nun. Umalis ako sa kwatrong iyon dala ang nagbalik na sakit, inis, at takot.
Ganito ang palaging nagyayari kapag naririnig ko ang pangalan ng tatay ko. Nanginginig ako sa galit at takot at hinagpis. Yung parang gusto kong manakit ng tao.
Bumalik tuloy sa akin yung dahilan kung bakit ko siya iniwasan sa una palang.
Nakakuyom ang kamao ko nang mabunggo ko bigla si Vaye na kakagaling ata sa library. Pareho kasi ang hallway ng library at ng office na nilabasan ko.
"Oh? Ayos ka lang?"
Agad na tanong niya nang makita ang awra ko.Hindi ako nagsalita at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang panginginig. Fuck this trauma.
"Zai? Hey, are you okay?"
Nag aalala na ang boses niya at agad na akong hinila papuntang park. Mabuti nalang at wala masyadong tao.Hindi ko alam ang gagawin ko at bigla nalang naiyak nung naalala ko bigla ang mukha ng lalaking yun, mukha ng tatay ko.
Nataranta at nagtatatalon si Vaye nang makita akong umiiyak at hindi alam ang unang gagawin, kung kukuha ba ng panyo o yayakapin ako o kakausapin ako.
"Hey Zailee? Hell, why are you crying?!"
In the end, she did everything in the same time. Giving me handkerchief and a hug.
Hindi pa rin ako sumagot at hinayaang ilabas ang mga naipong luha. Ayokong malaman niya ang dahilan dahil alam kong iimbestigan niya ang lahat hanggang sa malaman niya ang tungkol sa tatay ko at sa akin.
Umiling ako sa hangin habang kinokontra ang lahat ng mga masasamang bagay sa isip ko. Ang hirap. Nakakapagod.
"Kalma na please, Zai? Naiiyak din ako"
She said and soft tone while giving me a massage on the back.Nag cool down din ako at suminghot singhot. I harshly swiped my tears away before scolding myself.
Cause what the fuck, did i just cried in front oh her?
Hell, no!!
"Now tell me the problem, Zai. Nag aalala na ako"
Nilingon ko si Ve at nakita ko ang pag aalala sa mata niya. I faked a smile before touching her head.
"Wala, nadala lang sa pinanood kong drama kanina"
Pagsisinungaling ko ulit.She sarcastically scoffed.
"Sa tingin mo ba madadala rin ako dyan?"
Tinaas pa niya ang kilay niya sa akin.Wow, ngayon ko lang siya naging magsungit.
"Sige, kung ayaw mong sabihin, tatawagan ko nalang si Ken para hatakin si Paulo dito at—"
"Hoy, isa!"
Kinapa pa niya kasi kunwari ang phone niya kaya lalo akong kinabahan. Binaba naman niya yun at sinulyapan ako.
Napalingon din ako agad sa kanya.
"Ano sabi mo? Tatawagan mo si Ken? Ay wow, close kayo? Sana all close sa ex"
Pagbibiro ko agad na mukhang hindi galing sa iyak."H-hoy, hindi ah"
Tanggi niya agad kahit kita ko na ang pamumula ng pisngi niya"Weeeh! Wala kang nakwekwento sa akin ah. Chika ka dali!"
Pangungulit ko at kinurot pa siya sa tagiliran.Hiding a pain using a smile.
I bet, hindi na din iyon napapansin ni Vaye.
Ayoko lang mag alala siya sakin."Hindi nga! You're just switching the topic, Zailee!"
She hissed, obviously getting irritated.I laugj because she's too obvious.
"Ulols, Ve. Namumula ka habang pinapakinggan pangalan ni Ken eh! Sabihin mo nga sa akin, mahal mo pa ba sikwosjdbmeos"
Naiba iba pa ang ang nasabi ko sa huli dahil dali dali niyang tinakpan ang bunganga ko para hindi madinig ng iba.
Natawa ako pero may kumawala pa ring isang butil ng luha sa mga mata ko.
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
FanfictionFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"