CHP 35_Confrontation P3

199 10 1
                                    

Zailee's POV

             "Ready?"
Tanong niya habang pisil pisil ang kamay ko. Huminga muna ako ng malalim bago pinilit ang sariling tumango kahit sobrang kinakabahan na ako.


"Ok, let's go in"


Nasa harap na kami ngayon ng bahay nila mama niya, jusko pa easy easy lang ako kanina pero hindi ko alam na ganito pala toh, nakakathrill sobra.


Hahawakan palang namin ang doorknob ng bahay nang bigla itong bumukas ng automatic. Wow.. Napaka modern naman ng bahay na toh, sobrang high-tech pa.



"Oh.. Hahah, i forgot, they changed the door. Hindi din naman ako madalas dito.."
Sabi sabay kamot sa batok.


Ngumiti lang ako at pinagmasdan ang salang bumugad sa akin. Sobrang laki, jusko. Equivalent ata nung bahay namin yung sala, take note, yung sala LANG!


Ang daming mamahaling furnitures sa paligid, nasa pader din nila ang malalaking portraits nilang lahat na magkakapamilya. Daddy, mommy, at brother niya. Pero sinabi sa akin ni Pau na sa ibang bansa na daw tumitira yung brother niya kaya wala doon.


(AN: Please remember that this is a fiction)



Yung daddy niya naman, palaging busy sa trabaho. So obviously, mommy niya lang ang makakaharap ko ngayon. Jusko, imbes na ma feel at ease ako, lalo akong kinabahan.



May ishe-share akong secret ah, medyo.. Medyo lang naman.. Medyo masungit yung mommy ni Pau, jusko.


"Where's my mom?"
Tanong ni Pau dun sa isang kasambahay na sumalubong sa amin.


"Nasa veranda niyo po, sir Paulo. Tagal niyo din pong hindi bumiseta ah.."




Ngumiti lang si Paulo bilang sagot bago ako hinila papunta sa kung saan. Hindi kaya magulat ng bongga ang mommy niya ngayon? Hindi niya kasi alam na uuwing may kasamang babae itong anak niya. Ayaw kasi sabihin ni Pau eh, mukhang ewan lang. Lalo tuloy nakakakaba.



Tumigil lang kami nang makita na namin ang mommy niya na nakatayo di kalayuan sa amin. Garden ba yun? Small garden to be exact..



Ito na talaga toh.. Hinga ng malalim.. Inhale... Inhale.. Inhale... Mamaya na ang exhale.. Ay charrot, exhale..


"Mom.." pagtawag ni Paulo.



Tinangka ko pang paghiwalayin yung kamay namin pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya umirap lang ako. Hindi ba siya nahihiya sa mama niya?



Unti unting lumingon sa amin yung mommy niya na nagpahigit sa akin ng sarili kong hininga. Young looking sila, mahaba ang buhok, actually friendly sila tignan pag nakangiti.. Yun nga lang, minsan lang sila ngumiti.



"H-hello po madam, good morning.."
Nauutal na bati ko pa habang pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa sabay titig ng malalim sa mata ko. Talagang inuusisa nila ako ng sobra.


"Mom, si Zailee, alam ko namang kilala mo siya.."
Mahinahong sabi ni Paulo.


Sa kanya lumipat ang tingin ng mommy niya kaya nakahinga ako kahit papano.

"What are you doing here?"

Shucks, ano daw ginagawa ko dito? Sabihin ko kayang makiki inom lang ng malamig tubig? Pwede ba yun?


"We're here for vacation. Don't worry, we'll not stay here in mansion" pagngiti ni Pau.


His mom gestured us to come near and sit beside her. Napalunok ako ng sariling laway habang naglalakad kami palapit. I'm trembling, wtf.


My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now