Zailee's POV
"Augh, shoot. Lasing ba'ko kagabi?"
Napakunot ako ng noo at napahawak sa ulo nang bigla nalang akong atakihin ng sakit. I mean, hindi sakit na sakit sa puso. Parang hina-hammer ang ulo ko!
I slowly open my eyes before examining the whole room.
Napasinghap ako at bigla nalang napa-upo mula sa pagkakahiga sa kama, dahilan ng muling pagsakit ng ulo ko."Kaninong room toh?!"
I whispered.Black and white and theme ng kwarto, e peach ang color ng room ko, sobrang linis din at dalawa ang bookshelf. May kalakihan rin ang room at may pintong nakabukas sa gilid which is the bathroom, i guess.
Napayakap tuloy ako sa sarili kong katawan at dinama kung may kakaiba ba pero wala naman. Ganun pa rin ang suot ko sa kagabi.
Speaking of, what the hell is happened last night?!
Dahan dahan akong bumaba sa kama habang hawak hawak pa rin ang dibdiban.
I tiptoed so my feet won't make any sound. Nakakalat lang sa sahig ang black heels ko. I slowly open the door and heard some kitchen sound. Parang may nagluluto.
Sumilip ako saglit at nanlaki ang mata ko nang makita si Paulo, naka apron at payapang nagluluto sa kusina.
Napabalik tuloy ako sa loob ng kwarto at inayos ang sarili ng wala sa oras.Omg, bakit ako nasa condo niya?!
Hahawakan ko palang ang door knob nang marinig ko siyang magsalita.
"Come out here. I know you're already awake"Napasapo tuloy ako sa noo ko. Paano niya nalaman na gising na ako? Hindi naman niya ako nakita! Supernatural ba tong lalaking toh?
Anyway, i fix my hair so i won't look like a witch infront of him. Nakakahiya naman sa kanya na sobrang fresh sa suot niyang grey sweater at white cargo shorts.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa maliit na kusina niya. Nadaanan ko din ang living room which is black and white din ang theme. May sofa na color black, may malaking tv rin sa center, may mga single chair at maliit na shelf na meron na namang libro.
Ang hilig niya talaga sa mga libro nuh.
Sobrang linis at organized din ng kitchen niya. Nakakamangha tuloy, daig pa niya ako na babae. Seryoso lang siyang nagpri-prito ng hotdog habang may hawak na libro.
Lutang na lutang rin ang necklace niya na may nakagrave na 'S'. Nakita kong may ganun din si Ken kaya sa tingin ko ay may ganoon silang lahat na Syclups.
"Drink this,"
He casually said before pointing a glass of something i don't know without looking at me."Ano toh?"
Bat mukhang ihi yung laman ng baso?"It's water with honey.."
He answered again before turning his cooker off."Huh? Ano yun? Bagong mix ba yun ng drinks?"
Curious na curious ko namang tanong. I never heard something about this. Nahahalo pala ang honey sa tubig. I thought hindi siya nadi-dissolve?"Silly, it's for your hangover"
He chuckled before serving a plate of fried rice, bacon, and hotdog."A-ah..."
Shuta, napahiya ako dun ah.Ininum ko nalang yun. Manamis-namis naman siya kaya inubos ko na.
"Ah, Pau.. Bakit ako a-andito?"
Tanong ko ulit habang nilalagyan niya ng kanin ang platong nasa harap ko.
"Hoy unti lang! Diet ako.."
Pahabol ko pa.
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
ФанфикFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"