Conflict 1- I'm Normal! Am I?

166K 2.2K 1.3K
                                    

(Adrian's POV)


"I'm Normal! AmI?" Tanong ko na tila nawawalan na ng pag-asa sa Sarili. Nakapatong ang ulo ko sa mesa ng cafeteria habang nakatulala.

"Oo naman!" Sagot ni Sam, ang bestfrie— well, ang tanging kaibigan ko. "Mga sira ulo lang talaga yung mga yun.

"Lagi namang ganito eh. Keso Nerd raw ako, weird, mahina! Nobody even wants to date me!" 

"Self-pity is not attractive to most people." Pailing na sabi nya. 

"E kahit hindi ko naman ibaba ang sarili ko wala paring maa-attract sakin."

"Hay nako Adre!" Yan ang tawag ni Sam sakin. Shortcut for Adrian. "Wag mo nang isipin yan! Hayaan mo hahanapan kita ng kadate."

"Madali lang sayo ang sabihan yan kasi maganda ka, sexy, maputi, oh diba?Maraming nagkakandarapa sayong lalaki."

"Psh. E wala nga akong Boyfriend eh."

"Syempre ayaw mo. Pero kung gugustuhin mo lang, makukuha mo naman eh."

"Ano ka ba Adre. Di naman sa ayaw. Sadyang di lang pwede."

"Sus! Ewan ko sayo." Tumayo na ako sabay inayos ang mga gamit ko na nakalapag sa mesa. "Sige papasok na ako at baka masira ang Record ko sa one hour early before class starts policy." 

"Ayan eh! Yan ang problema sayo. Ang nerd mo talaga.

"Bahala ka sa buhay mo! Aalis na ako." I grabbed my bag and started walking.

"Ingat ah! Maraming bully sa daan!" She giggled.

Like how a typical story starts, magpapakilala muna ako sainyo. I'm Adrain Ace Perez. A Freshmen College student taking up Bachelor of Arts in Film and Audio-visual communication. Actually, gusto kong maging artista sana balang araw. Pero dahil sa di inaasahang itsura na pinagkaloob saakin, mukhang hanggang pagiging Film director nalang ako.

Mahilig din ako sa Pagbabasa, paglalaro ng video-games, panunuod ng anime, at kung ano na may kinalaman sa computers. Dito kasi ako magaling. Sa mga ganitong pagkakataon, ako ang bida. Pero ang masaklap na katotohanan. . . . 

...

...

...

I'm a Nerd!

Frankly speaking, mas gusto kong magkaroon ng babae sa mga braso ko para yakapin at halikan. Gusto kong maging leading man sa mga Film projects namin. Gusto kong maging varsity player at hiyawan ng mga babae. Pero lahat ng yun ay pawang pangarap lamang para sa isang tulad ko. 

"Pare si NERDrian yun oh!" Turo saakin ni Baste. Ang number one enemy ng School-life ko mula pa nung Elementary.


*Flash Back*

 

Grade School

"OY! Akin na yung recess mo kung hindi matitikman mo ang hagupit ng Kamao ko!" 

 

Highschool

"Hoy payatot na Nerd! Ilibre mo kami ng Lunch mamaya kung gusto mo pang umuwi nang may Mukha!"

College

"Hoy Nerdrian!! Libre mo kami ng Pang-shot mamaya kung ayaw mong hatiin kita sa dalawa!"

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon