(Adrian's POV)
Maaga akong bumangon para umpisahan ang paghahanap nitong address na nakalagay dito sa I.D ni Raven Claveria. Kila Sam ako natulog kagabi dahil hindi ako pwede sa bahay. As if naman kasi na maniniwala si Mama na ako si Adrian kaya naman bago pa sya dumating kahapon, kumuha na ako ng pangpalit na damit sa kwarto ko. Napagkamalan naman akong boyfriend ng mama ni Sam nung magpaalam akong doon matutulog. At dahil siguro sa gwapo ako, winelcome nya ako. Kung iniisip nyo na sa iisang kwarto kami natulog ni Sam, nagkakamali kayo. Doon ako sa bakanteng kwarto nila.
Bago pa man umalis si Sam para pumasok, nauna na ako para hindi ako maaubtan ng heavy traffic. Ayon naman dito sa I.D, taga Muntinlupa lang naman si Raven kaya di na ako mapapalayo.
"Saan po yung Summitville Subdivision?" Tanong ko sa isang Aleng nagtitinda.
"Mag Taxi ka nalang. Dun ka sumakay sa may Festival Mall. Sabihin mo ibaba ka nila sa Summitville." Turo ng ale saakin
"Sige salamat po."
Binaba ako ng taxi sa Summitville. Pumasok ako sa subdivision kasabay ng pagtingin ng Guard sa I.D ko para iconfirm na dito nga ako nakatira. Matapos yun, malaya na akong nakapasok.
Malaki ang Summitville Subdivision but stull, I quickly managed to find where Raven lives. Isang malaki at kulay puting bahay. Mukhang mayaman pala si Raven! Kung sinuswerte nga naman oh!
Pumasok ako ng bahay dahil hindi naman ito naka-lock. Sumalubong saakin ang isang batang babaeng naglalaro ng Xbox.
"Hi Kuya! San ka galing?" Tanong nya na tila busy sa paglalaro.
"Uh. Nasaan si. . . Mama?" Sadyang gusto ko lang na may masabi.
"Huh?" Binitiwan nya ang Controller on purpose at napatingin saakin. "Duh! Nasa States. San pa ba sya sa tingin mo?"
"Eh? He he he." Pilit kong tawa. "Syempre alam ko yun. Sino ba namang di makakaalam nun? ha-haha-ha."
"Ang weird mo kuya ah" Then she continue playing."Sya nga pala, tumawag si Ate Zoey kanina. Pinapatanong nya kung nasaan ka raw."
Now who the hell is Zoey? =__=
"Uh. Anong sinabi mo?" Tanong ko sakanya sabay napakamot ng ulo. Di ko alam kung tama ba ang mga sasabihin ko.
"Sabi ko wala ka. 2 days ka nang hindi umuuwi. San ka ba kasi galing?"
"D-dun lang sa kaibigan ko sa. . . Uhmm. . . Sa Las Piñas! Ah oo tama! Dun nga." Pautal-utal kong sagot. I find myself weird as well.
"Ewan ko sayo." She became silent for a few seconds. "Hmm. Teka nga. Bakit parang may iba sayo?" She begun scanning my face down to my feet.
"H-ha? Iba? Saakin? Nako wala ah!" I'm trying to play it cool.
"Meron eh. Hmm. Parang. . . parang ang bait mo yata ngayon. Dati parang di mo naman ako kinakausap ah. Kapag tinatanong kita kung san ka galing, ang karaniwan mong sagot, Wala kang pakealam! Tapos didirestso ko na sa kwarto mo. May lagnat ka ba?"
"Uh. . . Hindi. Wala! Wala lang ako sa mood magalit sayo." Then tinap ko sya sa ulo at umalis ng sala para libutin ang bahay.
"Weird talaga." Bulong nya pa.
Pumunta ako sa Kusina. May naaamoy kasi akong tinolang manok. Nadatnan ko dito ang isang medyo matandang babae na nagluluto.
"Mukhang masarap po ata ang niluluto nyo ah!" Bati ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/4038176-288-k671281.jpg)
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...