(Raven's POV)
Isa sa pinaka masayang araw ko ay yung araw na sinagot ako ni Samantha. Wala na kasi akong inisip kung hindi sya. Buti nalang at naeexpress ko na lahat ng feelings ko hindi tulad noon na akala ko, nalilito lang ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Samantha.... as usual....
Nakahiga ako sa kama habang sya, nakaharap sa salamin at nag-aayos ng itsura. Feeling ko nagpapaganda sya para saakin ee. Haha. Pero di nya na yun kailangan. Sobrang ganda nya na para saakin.
"Nagpapaganda ka nanaman ba ha?" Tanong ko sabay napaupo.
"Tse! Tinatry ko lang kung bagay ba saakin ang maiksing buhok."
"Kahit ano namang buhok bagay sayo ee."Tumayo ako at lumapit sakanya. Tapos, itinayo ko sya habang magkahawakan kami ng kamay. "Kahit magpakalbo ka pa Samantha, love padin kita."
"Hmmffft. Bolero ka talaga kahit kailan!" Then bigla nya akong tinulak papalayo.
"Hahahaha. Totoo naman ah!! Seryoso ako."
"Seryoso mong mukha mo." Sabay humiga sya sa kama nya.
"Kain naman tayo." Aya ko.
"Nanaman? Saan?"
"Kahit saan. Basta kasama kita."
Nagiging Cheesy na rin ako simula nung maging girlfriend ko sya. Hindi kasi ako nagsasawang purihin ang kagandahan nya. Kahit saang angle kasi, ang ganda ganda nya.
"Sige! Tatawagan ko muna si Adre, isama natin sya. Pati na rin si Hillary." Then she reached for her phone.
"Ano ka ba naman Sam, bakit isasama pa natin sila? Mas maganda kung tayong dalawa lang."
"Hay nako Raven... Kahit kailan talaga ang selfish mo. Hmp! Di na kita bati." Tumayo sya at nagsimulang magdial sa phone.
"E kasi naman Samantha ee. Paano pa nating matatawag na date yun kung may iba tayong kasama?" Pinigil ko ang kamay nya sabay niyakap ko sya mula sa likod at hinalikan sa balikat.
"E di double date! Haha. Balita ko nagkakamabutihan na yung dalawa ee."
"Oh talaga?" Patuloy lang ako sa pag-amoy sakanya. Ang bango nya kasi ee.
"Oo kaya! Bagay naman sila ee. Magiging masaya ako para kay Adre kung magiging sila."
"Oo, ako rin." Hahalikan ko na sana sya sa lips kaso bigla nya akong pinigil.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalneAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...
