Conflict 27- Reaching the Limit

56.4K 732 35
                                    


(Samantha's POV)



"What is wrong with that jerk?" I muttered as I step out of the room.


Ang bastos bastos talaga nung Raven na yun! Napakawalang manners. Hindi nya naman na kailangang ipahiya si Bryan eh. Palibhasa kasi hindi marunong makisama. Akala mo kung sino. Amp.


By the way, after how many years, nakita ko nanaman ulit si Bryan na kaibigan ko na simula pa nung mga bata pa kami. Sya ang bestfriend ko bago ko pa makilala si Adre. Magkasama kaming lumaki dito sa La Union. Noon, kaming dalawa lang ang laging magkalaro. Hindi kami sumasama sa mga ibang bata kasi lagi lang kaming nabubully.


Maliit palang kami Yano, inamin na sakanya ni Tita Shen na hindi sya tunay na anak. Yes, adopted sya kaya hindi kami magpinsan sa dugo. Yun ang reason kung bakit madalas syang inaasar ng mga kalaro namin. Sinasabihan sya ng "Ampon! Ampon!". 


Nung lumipat kami sa Las Piñas ni mama, doon ko na huling nakita si Yano. Nung una, nalungkot ako ng sobra dahil akala ko hindi na ako magkakaroon ng kaibigan. But that was until I met Adrian na kaparehong kapareho ni Yano. Agad naging magaan ang loob ko sakanya at naging magbestfriend kami in an instant.


Anyway, enough with the reminiscing! Naiinis padin talaga ako kay Raven. Simula nung gabing yun, I mean yung gabing lasing sya at hinalikan nya ako, parang lagi nalang akong naiinis sakanya. Tss. Agawin ba naman kasi nya yung first kiss ko! Nakakainis talaga! 


Pero ang mas kinaiinisan ko pa, nasa katawan sya ni Adre kaya meaning. . . .


"EEEEWWW!" Biglang sigaw ko nalang.


Bumalik muna ako ngayon sa kwarto namin para magpalit ng damit. Gusto ko muna kasing tumambay sa beach side ng ganitong oras. Full moon kasi ngayon. Habang nagbibihis ako, pumasok bigla si Hillary at Rio. 


"O Samantha, aalis ka?" Tanong ni Hillary.

"Oo." I nodded. "Actually hindi lang ako, tayong lahat. We'll go check the beach side."

"Hm, sorry Samantha pero kayo nalang siguro." She passed. "I'm not really good at stay up late eh." Then she yawned. "Pati, napagod ako sa b'yahe natin."

"Ganun ba?" I'm kinda disappointed. "Eh ikaw Rio, gusto mong sumama?"

"Sayang ate Sam, nakaligo na ako eh." She pouts. "Bukas nalang rin siguro ako Ate. Sorry.

"Eh? Sayang naman." I sighed. "Pero ok lang. I'll go with the boys nalang. Sige good night sainyo." Paalam ko sabay labas ng kwarto.


Habang naglalakad ako papunta sa room ng boys, naalala ko bigla na galit pala ako kay Raven. Ang awkward naman kung makakasama ko pa sya. Damay na rin si Adre kasi hindi naman pwedeng pumasok ako sa room nila at sya lang yayayain ko. 


"Matutulog nalang rin siguro ako." I sighed. Pabalik na sana ako ng kwarto nang may biglang tumawag saakin.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon