Conflict 42- Now Say it, Samantha

43.5K 595 59
                                    

(Adrian's POV)

"Hay nako Hillary.. Paano ka makakamove on nyan? Hindi naman sa pinipigilan kitang lumapit kay Raven, pero intindihin mo naman sana ang sitwasyon.

"Naiintindihan ko naman yun eh. Kaso nagkataon lang talaga eh. Sorry...

"You don't have to be sorry. Di naman kita mapipigil eh."

"Adrian.. di naman sa ganun. Tama ka naman eh. Ako 'tong hindi marunong sumunod.

Ayoko na sanang isipin pa yung nakita ko kagabi. Pero hindi ko maiwasang magselos. Alam ko na hindi lang basta bastang pag-uusap ang ginawa nilang dalawa. Siguro, nag-open sila sa isa't isa kaya they end up hugging each other. Eh kung ganun naman pala, bakit hindi nalang saakin nag open si Hillary? Akala ko pa naman ok na kami. 

Ganun pa man, hindi na rin namin pinag-usapan ang tungkol dun matapos ang araw na yun. Nagsimula na din ang Christmas vacation namin. Napansin ko naman na madalas na ang pag text at pagtawag saakin ni Sam. Minsan, nagkikita na rin kami pag may oras. Pero hindi yun madalas. Hindi dahil sa hindi sya nagyayaya, kung hindi dahil sa tumatanggi ako. Ayaw ko na kasing mangealam pa sakanila ni Raven. 

"Diba may usapan kayo ni Samantha ngayon? Di ka pa ba aalis?" Tanong ni Hillary na nakaupo sa kama ko.

"Sinabi ko na sakanya, di ako makakapunta. Masyado akong busy.." Sagot ko naman habang nakasandal sa dulo ng kama at nagtetext.

"Busy saan?

"Basta! Tinatamad ako eh.."

"Hello~ Si Samantha yun no! Hindi ka dapat tamarin sakanya. Para saan pa ang pagiging mag bestfriend nyo kung ganyan ka?"

"Hindi na nga kami magbestfriend diba? Hindi na po ako si Adrian.

"Kahit na! Katawan nyo lang ni Raven ang nagkapalit, hindi ang bestfriend.

"Kahit na pa. Pati, makakadistorbo lang ako sakanilang dalawa nung lovey doves nya no."

"Eh sya nga 'tong nagyaya sayo diba?

"Bakit ba gustong gusto mong magkita kami ni Samantha ha? Gusto mo bang agawin ko sya kay Raven para nang sa ganun, kayo naman ni Raven ang magkatuluyan? Hahaha

"Sira ka talaga! Bahala ka na nga!" Sabay tumayo na sya.

"Oy! San ka pupunta?

"Wag mo akong kakausapin hangga't di ka nakikipag kita kay Samantha. Aalis na ako!

"Hoy! Bumalik ka nga dito! Huy!!

Di ko na sya napigilan pa. Tuluyan na sya umuwi. Tinatawagan ko sya pero pinapatay nya rin agad. Seryoso nga sya sa sinabi nya. 

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon