Conflict 4- She Thinks Amalayer

84.8K 1.5K 115
                                        

Start playing the video.




(Adrian's POV)

"O ano. Naniniwala ka na?" Tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya.

Nakatitig lang rin sya sa mga mata ko at di makapagsalita. Hinihintay ko lang ang magiging sagot nya.

...

...

...

"Adrian?" She whispered.

Napangiti ako nang bigkasin nya ang pangalan ko. I guess she finally realized it was really me.

...

...

...

"SIRA ULO KA PALA EH!!" Hinamapas nya ako ng bag nya. "Paanong magiging ikaw si Adrian eh ang layo ng itsura mo dun! Wag mo nga akong pinaglololoko. Kung di ako nagkakamali, ikaw rin yung g*gong tumawag saakin kanina! GET LOST YOU FREAK!" She walked away.

Epic! Ang cool na sana eh. Akala ko pa naman. . . Tss.

"Teka lang! Sam!" Sumunod naman ako para habulin sya. 

Nakalayo na kami pero tuloy padin ako sa pangungulit sakanya though hindi nya ako pinapansin. Yun bang parang di ako nageexist?

"Ano ba Sam? Gusto mo bang patunayan ko pa na ako talaga si Adrian?" Hinihintay ko ang pagsagot nya pero wala padin. "Diba one time may mga nang-aaway sayo? Tapos pinagtanggol kita sakanila! Naaalala mo ba yun?

Tuloy padin sya sa paglalakad na tila walang naririnig. Medyo napapahiya na din ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. I should think of a better idea to convince her! 

"Si Mr. Pampam! Yun yung pangalan ng manika mo diba?" I'm still trying pero wala padin syang imik. "Yung bracelet na yan! Lagi mong suot yan diba? Bigay sayo yan nung first boyfriend mo nung Highschool tayo. Diba? Diba?

Napahinto sya at tiningnan ang bracelet nya. Dahan-dahan syang tumingin saakin and I saw a pissed look in her eyes.

"Di ko alam kung sino ka at bakit nagpapanggap kang si Adrian. Di ko alam kung stalker ka ba o pinagt-tripan mo lang ako. But please. Iwan mo na ako ok?" Medyo lumungkot ang tono nya.

Muli syang tumuloy sa paglalakad. It appears like hindi pa sya talaga naniniwala saakin. Kaya naman sumunod padin ako even if I know that it'll irritates her more. 

"Yung 1 hour before classes starts policy! ginawa ko yun nun para ma-impress ka. Pero tinawanan mo lang ako at lalo mo akong inasar na Nerd." This is my last shot.

Napatigil uli sya sa paglalakad. This time, nanggigigil na talaga sya sa galit. Hinarap nya ako sabay sinigawan.

"Ano pang alam mo? Sige pa? Sasabihin mo rin ba na lagi kang tumatambay sa bahay namin? Sasabihin mo rin bang tayo ang laging magkakampi pag may nang-aaway sa isa saatin. Alam mo rin ba na kahit maliliit na bagay pinag-uusapan natin? Alam mo rin siguro na ayaw kong magboyfriend kasi sigurado papalayuin ka nya saakin. Sigurado aawayin ka lang nya. Sigurado wala na akong oras para sayo? Sayo na bestfriend ko?" Unti-unting pumatak ang luha nya.

Maski ako nanghina sa mga sinabi nya. Nagkaroon ako ng konting guilt sa mga pinaggagagawa ko.  Bakit ba kasi nangyayari to? Bakit ayaw nya pang maniwala saakin? Ako nga si Adrian! please naman Sam! Wag kang tatanga-tanga.

"Sam. Ako nga talaga si Adrian. Ano bang gusto mong patunayan ko?" I'm still trying.

"Wala! Wala kang dapat patunayan. Alam kong babalik at babalik sya. Pero hindi ikaw si Adrian. Ibang-iba ang Adrian na kilala ko. Hinding hindi nya pagpapalit ang mga bagay at tao na mahal nya para lang makuha ang gusto nya. Hindi ikaw si Adrian.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon