Conflict 11- A 6 day Countdown; Days 2-4

74.2K 1K 105
                                    

(Samantha's POV)

*Phone Rings*

"Hello? Bakit ka ba tumatawag? Sino ba 'to?" Pabulong na tanong ko.

". . . ."

"Hello?" Ulit ko pa. This time mas malakas na.

". . . ."

"Miss Yasay!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ng prof ko. "Do your business outside the room! You're disturbing my class.

Dahil sa pesteng tumawag na yun, napalabas ako sa room ng di oras. Hindi pa nawawala ang init nang ulo ko nang may tumawag ulit.

"Hello? Sino ka ba?" Angas ko sakanya.

"Ano ka ba naman Sam. Bakit di mo pa rin sinesave yung number ko?" Adre is on the other line.

"Psh. Ikaw lang pala. Oo na. Mamaya isesave ko."

"Pati ba naman pagsave ng number kinakatamaran mo?"

"Ano nanaman ba kasing kelangan mo?" Tanong ko sakanya

"uhm. . ."

"O ano?"

"Marunong ka namang mag-soccer diba?"

"Soccer? Hmm. . ." sandali akong napaisip, "ewan. Siguro? Bakit ba?"

"Anong ewan, siguro? Pwedeng oo at hindi lang?"

"Nakapaglaro na 'ko nyan dati pero di gaano."

"Sige pwede na yun! Pumunta ka ngayon dito, sa may park kung saan tayo nagkita kahapon! Sige bye."

"Teka-" he ended the call without letting me speak.

Kahit inis na inis ako, nakipagkita padin ako sakanya sa park na tinitukoy nya. Naabutan ko syang nakaupo sa bench suot ang jogging pants, plain t-shirt, at athelete's headband. Naka tuck-in pa sya. Mukha syang bata. -__-

"Ang Tagal mo naman Sam! Kanina pa kita hinihintay!" Agad syang tumayo para salubungin ako.

Paglapit nya saakin, hinampas ka agad sya ng bag. Ganyan ba ang tamang pagsalubong? Ako na nga 'tong nag skip sa klase tapos sya pa yung may ganang magreklamo. Kapal to the max ha?

"Kailangan mo nanaman ako kaya naalala mo ako?" Di ako nakatingin sakanya.

"Hindi naman sa. . . . hmm. . ." napansin kong tinitingnan nya ako mula paa paatas.

"O? Anong problema mo?"

"Parang. . . "

"Parang ano?"

". . . . . ang ganda mo ngayon."

"A-ano bang sinasabi mo dyan Adre!" Feeling ko bigla akong namula. "Pinapunta mo ba ako dito para asarin ha?"

"Hindi Sam. Ano kasi. . . ." napakamot sya sa cheeks, "magpapaturo nga ako sayong magsoccer diba?"

"Eh bakit ako pa? Pwede naman kasing yung mga team mates mo nalang ang magturo sayo diba?"

"Ano ka ba naman? Magiging suspicious sila saakin kung ganun? Ano yun, star player tapos biglang magiging anga-anga?"

"E wala tayong magagawa? Kesa naman saakin ka magpaturo. Di naman ako magaling dyan."

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon