Conflict 34- A Problem of Two

43.5K 641 90
                                        


(Adrian's POV)


"Sam, busy ka ba?" Kausap ko ngayon si Sam sa phone.

"Hindi naman. Bakit?" She asked.

"Pwede ba akong pumunta dyan sainyo ngayon? Di na kasi tayo nakakapagkita gaano eh." Nakangiting sabi ko.

"Hm. . . osige. Ikaw ang bahala."

"Sige! Hintayin mo ako dyan!" Binaba ko na ang call.


Netong mga nakaraang linggo, hindi na kami madalas nakakapag-usap ni Sam. Madalang nya nalang sagutin ang mga tawag at text's ko. Di na rin sya gaanong nakikipagkita saakin. Feeling ko nagtatampo sya, pero di ko alam kung bakit.


Hindi ko tuloy maiwasan isipin na napansin nya nang nagkakagusto ako sakanya. Kasalanan ko din naman eh. Matapos kasi nung araw na maramdaman ko yun, naging awkward na ako sakanya. Nauutal ako sa t'wing nagkakausap kami. Tapos lagi pa akong natataranta. Feeling ko talaga nahahalata nya na. Siguro yun ang rason kung bakit nagiging mailap sya.


Anyway, tumuloy padin ako kila Sam. Namimiss ko na kasi sya. Gusto ko syang makausap at makakulitan gaya nung dati.


Nagdoor bell ako habang nakatayo sa harapan ng pinto. Maya maya pa, nabigla nalang ako sa kung sino ang nagbukas ng pinto.


"Oh Adrian! Anong ginagawa mo rito?" Raven was surprised as I am.

"R-Raven, nandito ka pala? Nasaan si Sam?"

"Nasa kwarto sya eh. Pasok ka."

"Er. . . sige."


Nagtanggal ako ng sapatos bago pumasok ng tuluyan sa loob. Pag-akyak namin ng kwarto, nadatnan ko si Sam na nakahiga lang sa kama habang nakatutok ang cellphone sa mukha. Nakaharap din sakanya ang monitor ng PC na may naka PAUSE na movie.


"Nanunuod kasi kami ni Samantha ng movie. Gusto mong sumama?" Aya ni Raven.

"Halata nga eh." I murmured. "Ano bang pinapanuod nyo?"

"50 first dates." Sagot ni Sam. "Pero hindi ka naman mahilig sa ganitong klaseng movie diba?"

"Uh. . . ha ha ha. Oo hindi nga." Napakamot nalang ako ng ulo.


Hindi ko alam pero feeling ko ayaw ni Sam na nandito ako. Pakiramdam ko gusto nya akong paalisin. Hindi ko sigurado. Pero ano pa man yun, mas mabuti na sigurong umalis nalang ako.


"Sige Sam, Raven, mauna na ako." I said.

"Eh? Aalis ka na agad?" Tanong ni Raven.

"May naalala kasi akong biglang dapat na gagawin ko. Hehe." I lied.

"Weh? Baka naman ayaw mo lang mag-stay dito?" Sam doubts.

"H-hindi! Hindi sa ganun." Depensa ko. "Sige na. Aalis na ako." Tumalikod na ako at lumakad paalis."

"Teka lang Adre!" Tumayo si Sam para sundan ako.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon