Conflict 20- Point of View Mash

67.3K 1K 301
                                    


(Hillary's POV)


"O, kamusta yung panghaharana mo?" Tanong ko kay Adrian habang nakaupo kami mga swing sa park.

"Ayun dedma lang sya." Malungkot na sagot ni Adrian. "Tinulugan nga nya ako eh."

"Ay sayang naman" I frown.

"Pero ayos lang. Hindi ko parin sya susukuan!"Positive na sagot nya.


Parang baliktad kami ngayon sa totoo lang. Ako pa yung nalulungkot imbes na sya. Ayon kasi kay Adrian, nagseselos daw si Samantha saakin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Wala naman kasi syang dapat ikaselos.


Hindi pa nasasabi ni Adrian kay Samantha na alam nya na ang tungkol saamin ni Raven. Ang akala padin ni Samantha, wala akong alam sa nangyaring switch. Gusto na raw sanang sabihin ni Adrian yun kaso di naman sya pinapansin ni Samantha. 


"Kasalanan ko 'to eh." Tinakpan ko ng mga kamay ang mukha ko.

"H-hindi Hillary! Wag mong isipin yan. Wala ka namang kasalanan." Tarantang sabi ni Adrian.

"E kasi, alam ko naman na kahit nandyan ka na sa katauhan ni Raven, kayo padin ang magbestfriend ni Samantha. Pero parang ang nangyayari, tayo pa ang nagiging close."

"Oo nga, pero di mo naman kasalanan yun. Siguro kailangang ko lang talagang i-explain sakanya ang lahat para maging ok na."

"Yah! At tutulungan kita para magkabati kayo. Magpapaliwanag din ako sakanya."

"T-talaga?

"Yep" I nodded.

"Salamat talaga Hillary ah. Sobrang dami ko nang utang sayo." He smiled.

"Haha. Wala yun!"


Matagal tagal na din nang maging ka close ko 'tong si Adrian. Masarap syang kasama kasi ang sweet sweet nya. Well, sweet din naman saakin si Raven noon kaso parang naghihintay sya ng kapalit. Yun bang lagi nya akong pinagtatanggol pero parang gusto nyang isumbat saakin ang mga yun, hindi man directly pero ganun ang nafifeel ko.


Tanggap ko kung sino si Raven at hindi ko hinihiling na magbago sya. Masaya ako sa kung anong ugali meron sya. Pero simula nung napunta sya sa ibang katawan, nadisappoint ako ng sobra. Naiinis ako kasi parang ang selfish ng naging desisyon nya. 


Hinihintay ko din yung sinasabi nyang pagbabalik nya sa ibang katauhan pero parang wala na syang balak. Hindi ko nga alam kung ok ba sya ngayon o hindi eh. Hindi na sya nagparamdam simula nun. Di ko tuloy alam kung magagalit ba ako sakanya, maiinis, o matutuwa. Maraming oras na gusto kong nandito sya sa tabi ko pero wala sya.


"Oh, bakit parang ang lungkot mo nanaman." Tanong ni Adrian.

"May naalala lang kasi ako."

"Si Raven nanaman no?"

"Mm-hm." I nodded. "I'm just really wondering where he is now."

"Wag kang mag-alala! Babalik din sya. Naniniwala ako."

"Sana nga." I sighed.


Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon