Conflict 46- All in one Blow

38.3K 562 50
                                    

(Adrian's POV)

Padabog kong binuksan ang pinto ng bahay papasok. Nadatnan ko si Rio na nakaupo sa couch at naglalaro ng xbox. Masama ang tingin ko sakanya kahit wala naman syang ginagawang kasalanan. Di ko alam kung bakit pero parang gusto ko syang saktan ng walang dahilan. 

"Late nanaman umuwi yung isa dyan. Palibhasa puro lakwatsa." Parinig ni Rio habang sa nilalaro padin nakatuon ang pansin.

"ANONG SABI MO??" Sigaw ko.

Agad akong lumapit kay Rio at hinablot ang braso nya. Nabigla ang itsura nya na halatang natatakot sa pwede kong gawin sakanya. 

"Aray kuya!! Masakit!!" Halos umiyak na sya sa higpit ng pagkakahawak ko sakanya.

Lumabas naman si Mama mula sa kusina at nadatnan nya kaming ganun.

"Raven? Nag aaway nanaman ba kayo?" Pagalit na tanong nya.

"Eh kasi naman kasalanan nitong batang 'to eh!" Reklamo ko.

"Bitawan mo nga yang kapatid mo." Lumapit sya samin para piglasin ang pagkakahawak ko kay Rio. "Ano nanaman bang problema mo Raven? Minsan na nga lang ako umuwi dito tapos ganyan pa ang ipapakita nyo saking magkapatid. Umuwi ako dito sa Pinas para magpahinga hindi para magpaperwisyo sainyo!

"Wag mo akong sisihin. Wala akong kasalanan!

"Kahit na! Kailangan mong pagpasensyahan yang kapatid mo dahil ikaw ang mas matanda. Hindi ka ba marunong umintindi. Ang tanda tanda mo na pinapatulan mo parin ang kapatid mo. Dapat nga ikaw ang prumoprotekta sa kapatid mo dahil ikaw ang kuya!

"Eh ano bang pakealam mo? Iiwan iwan mo kami dito ng matagal tapos magrereklamo ka na ganito ako ngayon!! Asan ka ba habang lumalaki kami? Asan ka nung mga nakaraang birthday namin? Asan ka nung kailangan namin ng nanay? Wala ka diba? Wala!! Tapos ngayon kakampihan mo pa yang anak ng kabit mo!!"

Nabigla si Mama sa nasabi ko. Ganun din si Rio. Halos parehas lang sila ng naging reaksyon. Inambahan ako ni Mama para sampalin. Pero hindi nya na 'to itinuloy, instead, tumulo nalang ang mga luha nya sabay niyakap si Rio.

Mga ilang sandali rin akong nakatayo sa harap nila na walang imik. At dun unti unting pumasok sa utak ko ang mga nasabi ko. 

Mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at nagkulong. Sumandal ako sa pinto pagkasara ko nito. Kumuha lang ako ng konting hangin bago magsimulang mag-isip. Unti-unti, napaupo nalang ako. 

Ano ba 'tong mga nasabi ko kanina? Bakit kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko? Yung mga nasabi ko, wala akong idea kung saan galing. At bakit nga ba alam ko ang mga yun to begin with? Never kung narinig kay Raven o kung kanino man ang history ng pamilya nya. 

Ano na ba 'tong nangyayari sakin? I got this weird feeling these past few days. Hindi ko gusto 'to.. may masama akong kutob... 

Right now, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. At yun ay si Hillary. Alam ko na sya lang ang makakapagpahinahon sakin sa mga oras na 'to. Kailangan ko syang makita ngayon...

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya... Maraming rings din bago nya 'to sinagot.

"Hillary, thank God you picked up." I felt somehow at ease nung sagutin nya 'to. "Pwede ba tayong magkita?"

"Uhm.. parang malabo yun eh." Mahinang sagot nya.

"Kailan talaga kita ngayon Hillary. Wala na akong ibang maisip na pwedeng sandalan kung hindi ikaw. Kung alam mo lang ang sitwasyon ko ngayon. Hindi mo--

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon