Conflict 28- Third Chance?

51.4K 682 79
                                        


(Raven's POV) 


"Dalhin na kaya natin sya sa hospital?" Natatarantang sabi ni Samantha.

"Hindi na. Mukhang ok naman sya ee." Sabi ko habang tinititigan si Adrian na nakahiga sa kama.

"Anong Ok? Mukha bang ok yan?" Pagalit na sigaw saakin ni Samantha.

"Bryan, may alam ka bang malapit na drug store dito?" Tanong ko.

"Sa bayan meron." He said. "Kung magmomotor ako, makakabalik na ako dito ng 10 mins."

"Pwede bang bumili ka ng Nitroglycerin? Pati Benadryl na rin.

"Ok sige!" Sabay tumakbo na sya palabas ng kwarto.

"Days, pwede bang dalhin mo muna si Rio sa kwarto nyo?" Utos ko.

"Ha? Bakit? Ayoko!" Sigaw ni Rio.

"Sige na Rio. Please." Lumuhod ako ng konti sabay ginulo ko ang buhok nya.

"Tara na Rio, magiging ok rin ang kuya mo." Sabi ni Days sabat akbay kay Rio at dinala palabas.


Dalawa nalang kami ni Samantha na naiwan sa kwarto. Walang nagsasalita saaming dalawa. Alam kong maraming itatanong si Samantha pero hindi sya makabwelo. 


Lumapit sya kay Adrian at hinawakan ang kamay. Halatang alalang-alala sya. Lintik na Adrian na 'to, ang swerte nya at nakasungkit sya ng ganitong bestfriend. Isang bestfriend na tunay na nagmamahal sakanya. Kahit na pa ayaw ni Samantha ang naging desisyon ni Adrian na switch, tinanggap nya parin 'to. Pero bakit si Days, hindi nya magawang matanggap ang kung sino ako ngayon? 


Kasalanan ko rin eh. Iba si Days kay Samantha. Matapang at palaban na babae si Samantha samantalang mahina at sensitive si Days. I know from the start that this decision will break her heart, but still, I chose it this way? Why am I so stupid?


"Raven," mahinang tawag ni Samantha, "marami akong gustong itanong alam mo ba yun?"


Napayuko lang ako. Wala akong lakas ng loob para sumagot.


"Pero alam kong kahit ano pang itanong ko sayo," she added, "puro palusot lang ang isasagot mo."


Di ko alam ang sasabihin ko. Pero tama sya, kasinungalingan lang ang mga maisasagot ko.


"Lalabas muna ako, bantayan mo lang sya." Matamlay na sabi nya.


Lumakad palabas si Samantha na nagpupunas pa ng luha. Halatang pinipigilan nya ang pag-iyak. Feeling ko ang sama-sama ko. Lahat nalang nagagalit saakin. Una si Days, sunod si Adrian, tapos ngayon si Samantha. Alam nyo ba yung pakiramdam ng walang kakampi? Yung ikaw lagi ang sinisisi? Yun bang feeling mo kahit anong sabihin mo, mali para sakanila?


Sa totoo lang, ayoko na munang mag-isip. Masyado akong napagod sa paghahanap kay Adrian. Gusto ko nalang munang magpahinga.


Ipinatong ko ang ulo ko sa kama. Tinititigan ko ang mukha ni Adrian. Ang mukha ko dati. He looks so peaceful, hindi dahil sa itsura nya kundi dahil sa attitude nya. Sa totoo lang, I'm beginning to idolize him. Napaka bait nya, napaka loyal, napaka thoughtful. Lahat halos ng quality ng ideal boyfriend nasa kanya na. I want to be like him. I want to be like Adrian.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon