Conflict 16- Her Perception

64.5K 976 113
                                    

A/N: Guys Flash Back tayo ng Konti ah. Wag po sana tayong magkakanda lito-lito.
Enjoy~

(Samantha's POV) 

5th day ng training ni Adre ngayon. May practice match sila kaya nanunuod kami ni Hillary. Nag-Invite si Adre ng lunch pero parang ayaw ko talagang sumama. 

Bago pa man matapos ang practice match nila, nagpaalam na ako kay Hillary at parang na misunderstood nya ang sitwasyon. 

"Sige Hillary, mauna na ako. Enjoy nalang kayo ni Adrian." I stood up.

"Wait!" Pigil nya.

"Yes?"

"Uhm. . . sorry." She bows.

"h-ha?"

Naku! Iniisip nya ata na nagseselos ako! (≧0≦)

"Ha-ha-ha.. Mali ang iniisip mo Hillary." I'm trying to defend myself. "Bestfriend ko lang si AdriI mean si Raven. Ha-ha-ha! Ok lang yun. Lagi ko naman na syang nakakasama eh. he-he-he. Wag mong isipin yun." Di ko talaga alam ang sasabihin ko. Pautal utal pa ako -_____-

"Mahirap kasing i-explain Sam eh. Kahit ako di ko rin maintindihan."

Maintindihan? Ang alin? Anong bang sinasabi nya?

"Haha. Basta wag mo nang isipin yun. Sige mauna na ako." Lumakad na ako agad palayo.

Habang naglalakad ako, may napansin akong lalaking nakasilip sa likod ng puno. Parang pinapanuod nya ang practice match nila Adrian.

Maya-maya pa, parang napansin nya na nakatingin ako sakanya. Bigla syang nagulat at nataranta.

"Anong ginagawa mo dyan? Nag s-spy ka no?" Pranka ko sakanya.

"Ah! H-hindi! Hehe. Ano kase, uhmm. . . ikaw si Sam diba?" Tanong nya.

"Bakit mo ako kilala?" Tanong ko pabalik.

"Hehe. Syempre! Taga Southville din ako ee. Uhmm. Brenan pala." Nag-alok sya ng shake hands.

"Er?" Di ko 'to tinanggap. "Bakit mo nga ako kilala? Pati anong ginagawa mo rito?"

"Uhmm. E paanong di kita makikilala? Campus Crush ka kaya, ta's black belter ka pa? Hehehe. By the way. Bakit kausap mo kanina si Raven? Boyfriend mo ba sya?" Tanong nya nang nakangiti. Putek nakakaasar yung ngiti nya.

"H-hindi ah!" Tanggi ko. "A-ano kasi. uhm. . . friends lang kami! Bestfriends."

"Ahh. . . bestfriend pala. Hehehe." Napatango lang sya.

Teka nga! Bakit ko ba kinakausap 'to? Badtrip ako kaya wala ako sa mood makipagchikahan sa di ko naman kilala.

"Sige mauna na ako." Lumakad na ako palayo ng mabilis.

Bukod pa pala sa naiinis ako kay Adrian, may isa pa akong reason kung bakit kailangan ko nang umalis.

Naaalala nyo ba yung lalaking may hawak ng phone ni Adrian? Kailangan kong i-trace kung sino yun. Feeling ko may malaki syang kinalaman sa lahat ng nangyayari pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sya umiiwas.

Habang patuloy lang ako sa paglalakad, bigla akong nakaramdam ng gutom. At dahil nga sa humiwalay ako kila Adre, mag isa kong kakain ngayon ng lunch.

Sa isang fast food chain ko naisipang kumain. Tinapos ko muna ang order ko bago ko sinubukang tawagan yung number. Nagri-ring ang phone. At after 5 rings, sinagot nya ito.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon