Conflict 24- What Hurts the Most

58.5K 854 80
                                    

*Dedicated po sa isa sa mga pinaka unang reader ko. :)



(Adrian's POV)


"Ba't mo ba kasi ginawa yun?" Sigaw ko kay Raven. Magkakalahating oras ko nang binabanlawan ang labi ko sa gripo. "Di mo naman na ako kailangang halikan eh."

"Kilala ko si Rio," nakaupo naman si Raven sa mesa habang hawak hawak ang tela na may yelo at nakadikit sa  ulo, "hindi mo basta basta mauuto yun. Ginawa ko lang makatotohanan ang lahat. Sa tingin mo ba gusto kong gawin yun?"


Feeling ko natrauma si Rio sa mga nakita nya. Kanina pa sya tulala sa kwarto nya at di nagsasalita. Nang masaksihan nya kasi ang— Ugh! Basta, nung nangyari yun, agad syang tumakbo sa gitna namin na naging dahilan ng pag out-of-balance ni Raven kaya nauntog sya sa bakal na swing.


"Kahit na!" Angal ko habang pinupunasan padin ng towel ang bibig. "Tingnan mo tuloy ang nangyari. Baka hindi na makatulog nyan si Rio."

"Ayos lang yan! Atleast ngayon, wala na akong dapat problemahin sakanya." Mukhang pinaninindigan nya talaga ang nangyari.

"E ako naman ang mamomroblema neto ngayon! Akala nya tuloy pati ako bakla!

"Hahaha. Ok lang yan!" Tumayo sya at nakuha pa akong akbayan. "Tulad nga ng sabi mo, bata lang si Rio. Hindi yun big deal."

"Nang-aasar ka talaga no?


Naghabulan kami hanggang sa labas na parang mga sira-ulo. Habang ako galit na galit, sya naman tuwang-tuwa. Pesteng bakla! 



(Raven's POV)


Dahil sa nangyari nung araw na yun, I didn't get a chance to visit Days. Feeling ko nasayang nanaman ang isa pang pagkakataon. Gusto ko na talagang magka-ayos kami. Dati naman pag may kasalanan ako sakanya, konting sorry at pagpapacute lang, bati na kami agad. Pero bakit ngayon feeling ko malabong mag kaayos kami?


Ano ka ba Raven! Wag mo ngang isipin yan!


E hindi ko naman maiiwasang hindi isipin 'to eh. Kitang kita ko sa mga mata nya na galit na galit sya. Nung mga araw na yun, gumuho talaga ang mundo ko. Gusto ko na talagang umiyak. I thought that time won't get any better. Pero dahil kay Samantha, gumaan ang pakiramdam ko.


Samantha is better than Days.


What? Hm. . . siguro nga ganu— wait, ano ba naman 'tong mga pumapasok sa isip ko? Sumasakit lalo ang ulo ko eh. Di ko muna dapat iniisip ang ibang bagay. Kailangan kong puntahan si Days ngayon para mag-sorry. 


Bago na ang contact number ni Days kaya hindi ko sya matawagan o matext man lang, kaya naman hiningi ko kay Adrian ang number nya.


"Hello? Sino po sila?" Asked Hillary on the other line.

"Days, si Raven 'to." Matamlay na sabi ko.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon