(Samantha's POV)
"Sorry po sa distorbo ma'am. Pero kayo lang po ang available sa contacts nya kaya ikaw na ang tinawagan namin." Paliwanag ng waiter sakin
"Tsk.. Sa dinami rami ba naman ng tao oh!" I'm really pissed right now.
"Pasensya na po talaga ma'am."
"May Choice pa ba ako?"
Sa dinami rami ba naman ng pwedeng tawagan para sunduin ang ungas na 'to, bakit ako pa? Nananadya ba ang tadhana ha?
"Tsk. Tsk. Do you realize how disgusting you are?" Sabi ko habang masamang nakatingin sakanya.
Tulog padin sya hanggang ngayon. Sabi nung waiter, nandito na raw sya simula pa kagabi. Ginising raw sya kaninang madaling araw para magbayad, pero pagkaabot raw nya ng bayad, nakatulog nanaman daw sya ulit. What a jerk!
Tinapik ko sya na parang nandidiri. Ayaw ko syang hawakan kasi baka mahawa ako sa kasinungalingan nya. Galit na galit padin ako sakanya.
Maya-maya pa, nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang mga mata nya. Medyo naghabol pa sya ng hininga nung una. Pero as soon as nung makita nya ako, he suddenly ran wild.
"S-s-s-sam...." Malungkot ang mukha na medyo napapaluha.
"A-ano? 'Wag mong isipin na nagpunta ako dito dahil nag-aalala ako sayo ah! I Still hate you!" I said coldly.
"SAM!!" Tumayo sya bigla para yakapin ako. Pero agad kong pinigil ang mukha nya bago pa man nya ako mayakap at mahalikan.
"Wag na wag mo akong lalapitan!!" Babala ko sakanya.
"Sabi ko na nga ba sayo yung boses na narinig ko eh! You've saved us!"
"Huh? What are you talking about?"
"Mahaaaaaaaaaaaaaaabang kwento! Pero to cut it short, AKO NA ULIT SI ADRIAN!!"
PAK!!
Malakas ko syang sinampal.
"Tumigil ka Raven. Hindi ka nakakatuwa." Mas lalo akong nainis..
"Pero totoo ang sinasabi ko. Ako na talaga si Adri--" Hindi ko na gusto pang marinig ang mga sasabihin nya kaya lumakad na ako palayo. "Wuy teka! Saan ka pupunta?" Sabay hinabol nya ako.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...
