(Adrian's POV)
"Buti naman ok ka na ngayon?" Nakangiting sabi ni Hillary sabay tapik sa likod ko.
Di ko ineexpect na magkikita kami ulit. Kung maaalala nyo, sya yung tumulong saakin nung unang araw kong napunta dito sa katawan ni Raven. Sya yung tumawag sa Hospital para magamot ako.
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa public seats ng mall.
"Oo nga e. Dahil sayo naligtas ako." I gave her a wink as I smile.
"Di naman. Kahit naman siguro sino, gagawin ang ginawa ko." She humbled.
"Hindi rin siguro. Sadyang mabait ka lang." Puri ko.
"Ganun ba?" Napayuko nang nakangiti. "Uh. Sorry nga pala kanina Raven kung nabunggo kita ng push cart ha? Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko tapos naka Ear phones pa ako."
Oo! Nagpakilala ako sakanya as Raven. -____-
"Wala yun. Di mo naman sinasadya eh."
Napasarap ang usapan namin ni Hillary. Pumunta pa kami sa park para mag pahangin at sa isang araw lang na yun, marami akong nalaman tungkol sakanya.
Sa Southville din nag-aaral si Hillary Jane Fortalejo. Accountancy ang Course nya at 1st year lang rin sya. Bunso sya sakanilang dalawang magkapatid. Ang kuya nyang si Harold ang nag-aalaga sakanya. 25 years old ang Kuya nya at nagtatrabaho din pangdagdag sa ipinapadala sakanilang pera.
Hiwalay kasi ang Parents nila. Yung papa nya nasa States at may iba nang asawa. Ang mama naman nila, nasa Saudi para suportahan sila. Tamang-tama lang ang nakukuha nilang pera para sa isang masaganang buhay.
Mag-isa lang si Hillary sa bahay nila sa Pilar Village sa Camella tuwing umaga at kinahapunan, pag uwi nya galing School, Nandun na ang kuya nya.
Masayahing babae si Hillary sa nakikita ko sakanya. Kahit ngayon nya palang ako nakilala, parang pinagkakatiwalaan nya na agad ako.
Nang Malapit nang lumubog ang Araw, inihatid ko pa sya sakanila. NagJeep kami papuntang Las Piñas at nilakad papunta sakanila. Balak ko rin kasing puntahan si Sam. Ibabalita ko sakanya na nahanap ko na ang tirahan ni Raven.
Napadaan kami sa tulay kung saan nakasalubong ko nun si Raven nung ako pa si Adrian. Biglang pumasok nanaman sa isip ko ang lahat. Sa totoo lang, ayaw ko nang maalala. Gusto ko nalang maging normal dito sa bago kong katawan. Sa katawan ni Raven.
Sa paglalakad namin, may apat na lalaking humarang. Di ko sila kilala pero mukhang galit na galit sila.
"Buhay ka pa? Akala ko ba niligpit nyo na ’to?" Tanong ng isang lalaki sa mga kasamahan nya.
"E boss, di ako pwedeng magkamali. Sigurado ako tinamaan ko yan!" Sagot naman ng isa.
"Para kang pusa ah! Ang hirap mong patayin!" Sigaw ulit ng Boss nila.
Nanginig ako bigla sa takot. Wala naman akong atraso sa mga ’to! Maniwala kayo. Hindi ako yung may atraso sainyo. Sadyang kamukha ko lang. T.T
"Raven? Kilala mo ba sila?" Tanong ni Hillary habang nakakapit sa braso ko.
"Boss! Upakan na natin!" Suggest ng isa.
"Sige! Hawakan nyo!!" Sumangayon naman ang ungas. -___-
Hinawakan ako ng Dalawa sakanila. Habang yung isa pa, hinila si Hillary mula saakin.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...