Conflict 2- I'm a Criminal!

116K 1.8K 544
                                    

(Adrian's POV)


*pant *pant *pant* 

 

Kasalukuyan akong tumatakbo ngayon sa kalaliman ng gabi. Akala ko naman matutuwa ang mamang pulis sa present ko. Pero nagalit pa sya instead! Malay ko ba na illegal drugs yung mga pinapabenta saakin ng mga walang hiyang yun! 


Di ko na alam kung saan pa ako pupunta. Pagod na pagod na ako. Paano kung bigla nalang nya akong barilin? Paano na ang future ko bilang isang magaling na Director? Sino na ang gagawa ng mga research paper at thesis ng mga kaawa-awa kong classmates? Sino ang kakausap kay Sam pag wala na ako? Sino nang paghihingian ni Baste ng pera pang shot nila? Please Lord iligtas nyo po ako! Di na po ako magrereklamo sa ibinigay nyong buhay saakin. PROMISE! Ayoko lang pong mamatay.

Nakakita akong ng malaking basurahan sa tabi ng isang Restaurant at dun ako nagtago. Wala na akong pakealam kung mag-amoy isda't kare-kare ako basta't di lang ako mahuli ng pulis. Masyado pang bata ang isang 17 years old na kagaya ko para makulong.

Ilang sandali pa at di ko na marinig ang wang-wang ng pulis. Mukhang nakatakas na talaga ako. 

Ayoko munang umuwi samin. Baka kung anong isipin ni mama. Actually wala namang iisipin yun saakin kase lagi naman syang lasing eh. Simula nang mawala si papa, lagi nang umuuwi si mama ng lasing. Pero may trabaho sya. Singer ata sya sa bar. Di ko alam kung prostitute narin ba sya o ano. Di ko na sya nakakausap ng matino eh. 


Dun muna ako tumuloy kila Sam. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Nakasuot na sya ng complete outfit pang tulog.

"Oh. Gabi na ah? Bakit andito ka pa?" She asked, standing at the doorway.

"Please. Pwede bang dito muna ako for the mean time?" Balisang balisa ako. At ang baho pa!

"Teka," She sniffed twice, "bakit amoy kare-kare?



Pinatuloy nya ako sa kwarto nya. Doon, kwinento ko ang lahat ng nangyari.


"Sira ulo ka ba?" Sigaw nya sakin na parang nanay ko. "Bakit kase magtitiwala ka sa mga di mo kilalang tao? Ayan tuloy napahamak ka." Halatang nag-aalala talaga sya sa tono ng pananalita nya.

"E malay ko ba naman kasing illegal drugs yung mga yun." Nagpupunas pa ako ng basang buhok gamit ang t'walya.

"Sa susunod, kapag may desisyon ka, kumunsulta ka muna saakin. Alam ko kung anong makakabuti sayo." Then hinagisan nya ako ng bottled fresh milk..

"Oo na po."I twisted it open then took a sip from it.

"Buti nalang at di ka namukaan ng pulis. Kung hindi, hay nako. Sigurado nakakalat na ang mukha mo sa mga kalye jan. Nakalagay, Wanted! drug pusher. Dead or Alive"  She demonstrated it followed up by a laugh.

"Psshh. Pinakaba mo naman ako eh." Totoo, kinabahan ako sa sinabi nya.

"Biro lang ikaw naman.


Hating gabi, umuwi na ako ng bahay. Syempre sigurado wala na si mama. Eh hating gabi umaalis ng bahay yun para sa work nya eh. Kaya naman dumaretso na ako agad ng kwarto at natulog.



Sa panaginip ko. . .


May isang di kilalang tao akong kausap.


*Makakamtaman mo rin ang pagbabagong matagal mo nang hinihintay. Malapit na. Malapit na. Pero babala ko sayo, mag-iingat ka sa kung anu mang desisyon mo. At baka magsisi ka sa huli.*

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon