Conflict 22- What troubles Raven Most

62.6K 910 113
                                        

 

A/N: Si Rio Claveria po yung nasa picture. :)


(Adrian's POV) 


"Umamin ka nga saakin Rio, may nanliligaw na ba sayo?" Tanong ko sakanya. Nandito kami ngayong dalawa sa kwarto nya.

"Saakin? W-wala!" Namumula sya at di makatingin saakin ng diretso.

"Masyado ka pang bata Rio para magkaboyfriend ha? Eh ako nga, 17 na ako pero wala padin akong nagiging girlfriend."

"Huh? Si Ate Zoey, hindi ba?

"Er. . . hahaha! Meron na nga pala. Hehehe." I laughed it off. "Pero kahit na! Atleast ako, kaya ko nang magtake ng responsibility. Pero ikaw Rio, hindi pa pwede."

Para talaga akong kuya kung pangaralan ngayon si Rio. Feeling ko kasi, since ako na si Raven, kailangan ko syang protektahan no matter what. Kapatid ko na sya ngayon kaya tama lang na mag-alala ako sakanya. 

Nagulat lang kasi ako pagdating ko dito sa bahay. Kung makapag-ayos sya parang hindi bata. Hindi naman sya mukhang slut pero kasi, first time ko syang nakita ng ganito ee. Nakasuot ng cute na dress, medyo maiksing shorts, tapos yung buhok nya nakalugay ng maayos. Halatang nagkikilos babae sya. 

Ang pagkakakilala ko kasi dito sa batang 'to e medyo boyish. Yung mga nilalaro nga nya sa xbox panay panlalaki eh. Tapos lagi pang siga-siga kung kumilos. 

"Say, do you someone?" Tanong ko ulit sakanya.

"Mmmmm. . ." di sya makasagot. Meaning, inlove nga sya.

"Sige, kanino? Sabihin mo saakin, di naman ako magagalit eh." Nakangiti ako sakanya. As much as possible, I want her to be comfortable with me.

"H-hindi naman ako inlove pero, parang, uhm. . . crush lang ganun." At some point, napangiti sya. Pero yung tago at nahihiya.

"Eh kanino nga ba? Kilala ko ba? Classmate mo or kaibigan?"

"Uhm. . . ang totoo nyan, si. . ."

Parang nagmute bigla ang paligid. Dinig ko ng malinaw ang sinabi nya though walang sounds na lumabas sa bibig nya. Nabigla ako sa sinabi nya at tila di makapaniwala. Napa-upo ako ng straight at napatulala nalang.

"Kuya?" She looks worried. "Ok ka lang?

"H-ha?" I quickly snapped out of it. "Ah! Oo ayos lang ako. Sige, tapos na tayong mag-usap. Kumain na muna tayo ng Dinner sa baba. Tara." Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng kwarto.



Southville Campus Grounds


"Si Rio? Diba yun yung kapatid ni Raven?" Tanong ni Sam na napahinto sa pagsusulat sa notebook.

"Oo sya nga." I nodded.

"Ibig sabihin inlove sya sa. . . HAHAHAHA!

"Anong nakakatawa dun?" Pagalit kong

tanong.

"Wala wala. Naisip ko lang kasi. Hahaha. Ang CUTE!"

"Ano namang kinacute nun?

Exam week nila ngayon at kakatapos lang ng kay Sam for this day. Si Raven naman, jusko ewan. Sigurado nangangamote na yun ngayon!

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon