Conflict 15- Worried Sick

62.5K 990 222
                                    

(Adrian's POV) 

"Ano bangnangyayari sayo Raven!?" Sigaw ni coach saakin. "Bakit hindi mo pa sinipa kanina? Ang ganda na nung Assist ni Vincent ah! Bakit sinayang mo?"

Kasalukuyan akong naka-out ngayon. Pangit daw kasi ang ipinapakita ko ngayong 2nd half kaya gusto akong sermonan ni Coach. 

"Ano? Ganito nalang ba? Please Mr. Claveria. FOCUS!" Tumataas na ang boses nya. "Raven! Nakikinig ka ba?"

"Y-yes Coach." Nakayukong sagot ko.

Paano ba naman kasi ako makakapag focus kung alam kong nasa masamang kalagayan si Sam. Naguguluhan pa ako kung ipapatalo ko ba ang game o ipapanalo. Ayokong may gawing masama si Vladimir saakin pero ayoko ring may masamang mangyari kay Samantha. Papatayin ako ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa Bestfriend ko.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Bakit pa ba kasi ako nakipagpalit ng katawan? Bakit kasi hindi nalang ako nakuntento sa kung anong meron ako noon?

"Raven, ipapasok kita ulit." Said Coach"But please, be seriousthis time. We can't afford to lose this game."

Kung ipapatalo ko ang laro, magiging safe si Sam. Pero kung ipapanalo ko, babalik si Sky kay Vladimir, mas lalong sisikat ang Westhive, ayoko rin namang biguin ang teammates ko pati si Coach. Ang selfish ko naman kung pipiliin ko si Sam. Pero bestfriend ko yun eh! Hindi lang basta basta si Samantha saakin.

Mahal ko yung babaeng yun.

So I've decided. . .

"Coach! Ipasok mo na ako. Ako na ang bahala." Buong tapang kong sabi. Napangiti sya sabay tinap ang balikat ko. 

"I believe in you!" He said.

Without a doubt, bumalik na ako sa field para ituloy ang naiwan kong laro. Sigurado na ako ngayon. There's no turning back!

"Ohlookwho'scomingback?" Sigaw ng sports announcer. "Raven Claveria is nowback on the field! Whatwill he dothistime? Let'sallfind out."

Pumwesto na ako. Naghihiyawan parin ang mga tao. Naririnig ko na isinisigaw nila ang pangalan ko.

Sa totoo lang, napapangiti na ako pero pinipigilan ko lang kasi ayaw kong masira yung astig na comeback scene.

Sinimulan na namin ang laro. Sobrang naging matensyon 'to.

Nakapagdesisyon na ako. Ipanalo ang laro! Bakit? Hindi dahil sa isusuko ko si Sam, kundi dahil ililigtas ko sya kahit anong mangyari. Hindi ako papayag na may masamang mangyari sakanya. Kahit pa na manalo kami, hindi parin ako papayag na galawin ni Brenan si Sam. P-protektahan ko sya no matter what. 

Masama ang tingin ni Brenan saakin. Akala nya kasi makukuha nya ako sa ganung usapan.

Utot nya! 

Napansin ko na nag-iinit na talaga si Brenan sa kalagitnaan ng laro. Medyo nagiging agresibo na sya at halatang gumagaling. Sya na rin ang laging nagdadala ng bola at naka-ilang attempt na sya sa pag goal. 

Bakas naman sa mukha ng goal keeper namin na nahihirapan na sya. Halos mag-agaw buhay na kasi sya para lang maharang ang mga sipang ibinabato ni Brenan. 

Kailangan gumawa ako ng paraan. Kung hindi makaka-score na talaga sila. 

Pero bago pa man ako makagawa ng aksyon, bigla nalang nangyari ang kinakatakot naming lahat.

Naka Score ang Southville. At si Brenan mismo ang gumawa. 

Napaluhod ako. Pawis na pawis. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Sabay nanikip nanaman ang dibdib ko. Lumapit saakin ang isa kong teammate.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon