Astral Projection- is an interpretation of out-of-body Experience that assumes the existence of an "astral body" separate from the physical body and capable of traveling outside it.
(Samantha's POV)
"So yun nga. Kaya ngayon, nandito ako sa katawan ni Raven Claveria." Pinaliwanag ni Adrian ang lahat saakin.
Syempre mahirap paniwalaan kaso wala naman akong makitang rason para magsinungaling sya eh. Di ko alam na nangyayari pala ang mga ito sa totoong buhay. Akala ko pa naman kung sinong manyak to, Si Adrian lang pala. Pero kahit mas gwapo at mas cool na sya ngayon, syempre I still prefer the old one.
"Ibabalik natin ang dati mong katawan Adre!" Determinadong sabi ko.
"Ano ka ba naman Sam? Bakit kailangan pa nating gawin yun?"
"Eh kasi hindi mo naman katawan yan. Pati, magkakagulo ang lahat. Marereport ka as missing. Pano ang mama mo? Pano— Pano ako?" Dahan dahan akong napayuko.
"Alam mo naman na kung magiging Nerd ulit ako, marami nanamang mang-aasar saakin. Atleast ngayong ganito na ako, wala nang aaway saatin. At bibilib pa sila na meron kang sobrang gwapong kaibigan." Tumayo pa talaga sya para mag weird pose -____-
"Ano ka ba naman ADRE!" I slammed my desk. "Hindi pwede yang gusto mo. Hahanapin natin ang katawan mo at ibabalik natin ang kaluluwa mo dun!"
"Iiiiih Sam naman eeeeh!" Para syang bata. "Ayoko nang maging nerd! Sawang-sawa na ako. Gusto ko 'tong ganito. Pinag-uusapan, Pinagtitinginan, at Kinakikiligan!"
"Eh dati palang naman pinag-uusapan at pinagtitinginan ka na eh."
"T-talaga?"
"Oo! Ang pangit mo daw kasi." Asar ko.
"Oh kita mo na!" Sabay nagpout sya. Daig pa ang babae.
"Dapat matuwa ka sa kung anong ibinigay sayo." Tila kinokonsensya ko sya.
"Ito nga ang ibinigay saakin! Pinagwapo ako ng D'yos! Diba?" Sagot nya.
Ang kitid talaga ng utak ng Nerd na 'to pag dating sa mga ganitong bagay.
"Ang una nating gagawin," I continue, "Aalamin natin kung anong klaseng case ang nangyari sayo."
"Ano? Panu naman? Eh ako lang naman ata yung may ganitong case eh."
"No! I just know a person na makakapagsabi satin kung ano at paano ang sulusyon dito."
...
...
...
Southville International. . .
"Library? Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Adrian habang nasa harap kami neto.
"Basta sumunod ka nalang." Sabay hinatak ko sya papasok.
Nandito kami ngayon sa school library. Since Sunday ngayon, wala gaaanong tao. Panay nerd lang gaya ni Adrian ang pumupunta rito tuwing rest day. Ako? Hindi ako nerd? Nahawa lang naman ako kay Adrian. Pero hindi ako studious na tao. Normal lang ako na estudyante kagaya ng iba. Minsan tinatamad din pero madalas seryoso.
Hindi tulad nitong si Adrian na ginagawang hobby ang pag-aaral. Ito nga sya ngayon oh, kung ano-anong books nanaman ang pinagkukuha! Adik talaga 'to sa pag-aaral. Kaya di ko sila masisisi kung madalas syang lokohing nerd.
![](https://img.wattpad.com/cover/4038176-288-k671281.jpg)
BINABASA MO ANG
Half Dead
FantastiqueAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...