(Adrian's POV)
Feeling ko inaalon ako ng tubig. Masakit padin ang ulo ko. Kahit buksan ko man ang mga mata ko, puro itim padin ang nakikita ko. Pamilyar ang tunog ng paligid saakin. Hindi ko man ito nakikita pero alam kong nasa ilog lang ako sa ilalim ng Public park kung saan ako gumising noong gabi na magkapalit kami ni Raven.
Tinatamad akong bumangon hanggang sa maramdaman ko ang kirot na nanggagaling sa ibabang t'yan ko. Hinawakan ko 'to at namantsahan ng dugo ang buong kamay ko.
Agad akong nabuhayan kaya lumangoy ako papalapit sa lupa. Unti unti ko nalang narealize na nangyari na ang lahat ng 'to. Ito ang unang araw na nagkapalit kami ni Raven.
Kung nandito ako ngayon, ibig sabihin bumalik lang ang oras. Binalik nya ba kami dito para paglaruan ulit?
Hindi ko na muna inisip pa yun. Agad na akong tumayo at pumunta sa kung saan dapat. Yun ay sa bahay ni Hillary. Alam kong nandun sya dahil ganitong ganito rin ang nangyari noon. Pero this time, alam ko na ang gagawin ko.
"AAAHHH!!" Sigaw ni Hillary nang matagpuan nya akong pumasok ng bahay. "Sino ka? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko!!??"
"Hillary!!!?" Agad na sigaw ko.
"R-raven... Uhmm.. Teka.... Hindi pala kita kilala!! Sino ka?"
"Di mo na kailangang magpanggap. Ako na 'to! Si Raven na bestfriend mo!" Sabay niyakap ko sya.
"N-nights? Ikaw na ba talaga yan? Ibig sabihin di ko na kailangang sundin yung sinabi mo saakin kagabi?"
"Tama! Nandito lang ako.. 'Wag kang mag-alala." Mahigpit padin ang pagkakayakap ko sakanya.
Kinoconsider ko 'to as 2nd chance. Siguro ibinigay nya saamin 'to para itama ang lahat. Dapat lang na hindi na kami manghimasok pa sa mga dati naming buhay dahil kapag nangyari yun, babalik nanaman kami sa dati at paulit ulit lang yun. Sa ngayon, isang bagay lang ang kailangan kong gawin, yun ay ang ipacheck up ang sarili ko para maiwasan na ang sakit na dapat ikamamatay ko.
"Teka Raven, may dugo ka!! Anong nangyari sayo? Teka tatawag ako sa Hospital." Agad syang tumakbo para kunin ang telepono.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...
