Conflict 17- Cutest Nerd

65.3K 940 45
                                        


(Samantha's POV) 


"A-Adre?" Sobrang di ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang gusto kong maiyak.


Isang buwan narin nung huli kong makita ang itsurang 'to. Medyo nagbago nga lang. Wala na ang lagi nyang suot na salamin. Yung buhok nya, kulay itim na. Yung lips naman nya mas nagkulay pula pa. Maayos narin ang posture nya. Hindi na sya mukhang lampa. At higit sa lahat, yung mga mata nya. Para bang ang sarap titigan.


Dahan-dahan syang lumapit saakin. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa mga mata nya habang unti-unti syang lumalapit saakin. Di ko alam pero parang may kung anong slow motion na nangyayari. Di ko 'to usual na nararamdaman sakanya noon.


Nakatayo na sya sa harapan ko mismo. Magkatinginan lang kami. Ano bang sasabihin ko? Feeling ko walang lalabas na boses saakin kung magsasalita ako.


Hinarap nya ang mukha nya sa mukha ko sabay mahina akong pinisil sa ilong.


"Ang cute mo naman pala sa malapitan eh." He smiles.

"H-ha? Sira ulo ka ba?" Bigla kong inalis ang tingin ko sakanya. Mabilis padin ang kabog ng dibdib ko. Ayaw ko ng ganitong feeling!

"Raven Claveria nga pala." Inabot nya ang kamay nya saakin na tila nag-aalok ng shake hands.

"S-Sam-Samantha Y-Yasay." Utal utal kong sagot. Inabot ko ang kamay nya para makipag shake pero nabigla ako nang maramdamang ang lambot neto.

"Yung notebook? Dala mo?" Tanong nya habang patingin tingin sa sling purse ko.

"H-huh? A-anong notebook?" Parang wala ako sa sarili.

"Yung pinapagawa ko sayo. Nakalimutan mo na ba?"

"Ah! Oo nga pala!" Agad ko 'ton kinuha sa sling purse ko. "Oh eto!" Abot ko sakanya. Hindi padin ako makatingin ng diretso.

"Wow! Effort! Haha." Una nyang napansin ang pagkakadesign neto.

"Kung lalaitin mo lang ang gawa ko, ibalik mo nalang saakin!" Sinubukan ko 'tong agawin sakanya.

"Ops!" Agad nya 'tong nailayo mula saakin. "Di ko naman nilalait ah. Ang cute nga eh. Haha."

"Hmp!" I crossed arms. Bakit ba ang yabang nya? Amp.


Umupo kami sa mga swing sa park. Dinuduyan ko ng mahina ang swing ko habang binabasa nya naman yung notebook.


"Allergic si Adrian sa Squidball." He grinned. "Tapos ano 'to? Favorite fictional character nya si Harry Potter at Darth Vader? Ta's eto pa. Idol nya si Spongebob? Ano ba naman 'tong mga 'to?"

"Eh yan ang inutos mo saakin diba? Wag kang magreklamo!" Inirapan ko sya.

"Eh ang weird naman pala ng bestfriend mo eh." Napakamot sya ng ulo.

"Mas weird ka no." I murmured.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Ang sabi ko, marami pa akong tanong sayo!"

"Tanong? Like?"

"Bakit ba ang dami mong alam tungkol sa pagkakapalit nyo ni Adrian? Pati, bakit kailangan mo pang magtago saamin? Ta's bakit. . . bakit nagbago ata yang itsura mo?" Humina bigla ang boses ko. "Bakit ang gwapo mo?"

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon