Conflict 40- Hold on to it, Adrian

47.1K 622 40
                                        

(Adrian's POV)

"Kuya! Gising ka na raw. Kakain na."

"5 minutes....

"Kuya naman eh!! Gumising ka na raw sabi ni Mama!!"

"...5 minutes....

"Kuya!! Ma la-late ka na!!"

"ANO BA!! DI KA BA NAKAKAINTINDING BATA KA? SINABI NGANG 5 MINUTES DIBA? 5 MINUTES!!

Halos mapaupo na si Rio sa sindak nang masigawan ko sya. Hindi ko alam kung anong meron pero parang ang init init ng dugo ko sakanya. Narealize ko lang ang ginawa ko nang mapansing napapaluha na ang mga mata nya. 

"Uh... Rio... s-sorry." Gulo gulo pa ang buhok ko habang nakaupo pa sa kama.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ni Rio at mabilis tumakbo palabas. Alam kong nasaktan ko sya pero di ko naman talaga 'to sinasadya. At maniwala kayo at sa hindi, ilang araw na rin akong ganito kung kumilos. 

Base sa pagkakakilala ko sa sarili ko, ako yung taong napakahaba ang pasensya. Minsan nga mas ok pa na ako nalang ang mapahiya o masaktan kaysa ang ibang tao ee. Kaya naman nagtataka ako kung bakit napaka sungit ko na nitong mga nakaraang araw. 

Tapos ngayon, di pa ako mapakali. Narinig ko kasi yung pinag-usapan nila Hillary at Samantha kahapon. Pero I'm not exactly sure kung ano yun. Kaya nga gulong gulo na ako eh. 

*Flash back*

"Aalis? Saan ka pupunta?"

"Uh... Adrian... A-ano kasi.... Pinag-uusapan lang namin ni Samantha yung tungkol sa..."

"Tungkol saan?" Mabilis na tanong ko.

"Uhm... sa.. Ano..."

"Aalis na raw si Hillary.. May gagawin pa raw kasi sya sa bahay nila. Kaya sabi nya, ako nalang ang magpaalam para sakanya. Gusto nya raw muna kasi na magkausap usap pa tayo." Salo ni Sam.

"uh... Ganun ba? Pwede mo namang sabihin saakin yun Hill eh. Gusto mo ba hatid na kita?"

"Ay hindi! Wag na. Ok na akong mag-isa. Sige ah! Mauna na ako. See yah!" At mabilis na syang tumakbo paalis. 

*End of Flash back*

"Totoo bang sinigawan mo si Rio?" Tanong ni Mama habang sabay sabay kaming kumakain ng almusal.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon