Conflict 18- True Tears

73.3K 1K 139
                                    

(Samantha's POV) 

May aaminin ako. Simula nung maging Raven si Adrian, naging boring ang school life ko. Wala na akong kakulitan tuwing vacant time. Walang kasabay umuuwi. Wala kasamang namamasyal. Nakakamiss din pala sya kahit papaano.

Nasa Campus grounds ako at mag-isang nakaupo sa round table nang may biglang lumapit saakin na lalaking estudyante.

"Samantha. . . Uhm. . ." Mukhang kinakabahan sya. "Di mo na ata kasama yung bestfriend mo. Yung si. . . "

"Si Adrian?" Dugtong ko. Medyo matamlay ang tono ko.

"Oo yun nga! Si Adrian!

"Wala na. Patay na sya."

"T-totoo?" Nabigla sya.

"Aish. Syempre hindi!" Sungit ko. "Di ko sya kasama. Hindi ko alam kung babalik pa sya."

"Ah ganun ba." He slowly nodded. "Kung ganun naman pala, pwede ba ako nalang bestfriend mo?

"A-ano?" Nalito at nabigla ako sa sinabi nya.

Maya maya pa, may isa nanamang lumapit na lalaki. Hindi ko rin kilala kung sino. 

"Totoo ba yun Samantha? Wala na yung bestfriend mo?" He said. "Kung gusto mo ako nalang! Tutal wala din naman akong bestfriend eh. Hehe."

Sa pangatlong pagkakataon, may isa nanamang lumapit. This time, iba ang dating. Nakashades pa at may dalang flowers.

"Samantha. Tatanggapin mo ba ang alok kong maging bestfriend mo?" Lumuhod sya sa harapan ko at iniabot ang bulalak saakin.

Hindi pa man ako nakakapagreact, may panibago nanamang sumunod. Isang magandang kotse ang huminto sa harap namin at bumubusina pa.

"Mga sira ulo!" Sigaw nya habang nakasilip sa bintana. "Akin yang si Samantha! Dadalhin ko sya kahit saan nya gusto!

Gusto ko na sana syang sugurin at ipakin sakanya 'tong bulaklak na hawak ko nang may bigla akong marinig na tumutugtog ng guitara sa likuran ko.

"♪Adik sayo~  Awit saakin. . .  tila sawa na sa'king mga kwentong marathon ♫" Kanta ng isang lalaking may hawak na microphone habang tumutugtog sa tabi nya ang dalawang kasama ng gitara at beat box.

"Teka! Akong nauna dito!" Sigaw nung unang lalaking lumapit saakin.

"Wala akong pakialam sayo at sa mukha mo!" Sigaw nung pangalawa.

"Parehas lang kayong pangit!" Sabi ng pangatlo na di hamak namang mas mukhang lamang lupa kesa sa dalawang nauna.

"Hoy mga unggoy! Ako may kotse kayo wala!" Yabang nya. Kalbo naman.

"♫ Sa umagat sa gabi't sa, ♪ bawat minutong lumulipas ♫

Unti unting umingay ang paligid ko. Napapalibutan ako ngayon ng mga lalaking di ko naman kilala. Lahat sila isa lang ang sinasabi! Sumasakit na ang ulo ko. Ang tahitahimik lang kanina ng mundo pero dahil sa mga ungas na 'to, nasisira ang araw ko.

"Urgh! SHUT UP!" Sigaw ko na nagpatahimik sakanilang lahat.

.

.

.

.

.

Maliban sa isa.

" Hinahanap hanap kita~ Oh yeah! ♪" Nakatingin lang kaming lahat sakanya ng masama. "Oops sorry."  Nag peace sign sya.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon