Conflict 23- The Worst of Luck

61.2K 1K 457
                                    


(Raven's POV)


 *Tok Tok Tok* 


"Oh Raven, nandito ka?" Si Samantha ang nag bukas ng pinto.

"Pwede ba akong pumasok?" Matamlay na tanong ko.

"Er. . ." she checked if I'm with someone, "Sige pasok ka.


Pinatuloy ako ni Samantha sa loob ng bahay. Sya lang ngayon mag-isa dito. Pinaupo muna nya ako sa couch habang gumagawa sya ng miryenda. Pagbalik nya, ikwinento ko sakanya ang nangyari saamin ni Days kanina.


"Totoo, sinabi nya yun?" Tila di sya makapaniwala.

"Oo." I nodded. "Lahat ng yun, sakanya nanggaling.

"You know what, I feel you." She sighed.

"Huh? Paano?

"Alam ko kung gaano kasakit." She stood up. "And I know just what the medicine is."

"At ano naman?"


Ngumiti lang sya sabay lumakad papunta sa likuran ko. Nagulat nalang ako nang bigla nya akong yakapin. Yun bang parang nakasalabay sya. Pakiramdam ko namula ako bigla. Nakadikit kasi ang mukha nya sa pisngi ko. Di ako nakagalaw ng ilang segundo. 


Pero aaminin ko, parang effective nga 'tong pag yakap nya. At some point, parang nawala ang bigat ng loob ko. Feeling ko kasi may kakampi ako. 


Hindi sya nagsasalita pero dinig na dinig ko ang paghinga nya. Ganun lang kami ng halos isang minuto. Maya maya pa, pinakawalan nya na rin ako.


"O ano? Ayos ba?" Her face was brighter than usual.


Napangiti lang rin ako. Ang sweet na babae ni Samantha sa totoo lang. I envy Adrian kasi may bestfriend sya na ganito. Kahit pa na medyo bayolenteng babae si Samantha, may malambot parin syang puso. Nakikita ko sakanya na pinahahalagahan nya ang mga mahal nya sa buhay ng mabuti. 


Kadalasan, pag nakikita ko si Samantha, di ko maiwasang mapangiti. Iba talaga kasi yung aura nya eh. Kakaiba syang babae. Kahit na hindi ko pa sya ganun kalubos na kilala, alam kong mabuti sya. 


"Thank you." I smiled.

"Yieee. Ok na sya!" She cheers.

"Medyo lang." I grinned.

"Ganyan ang yakap ko. May magic! Haha.

"Haha. Siguro nga. Pero sa tingin ko kailangan mo naring maligo. Ang baho mo eh." I laughed, 

"Huh?" Inamoy nga nya ang sarili. "Ang kapal mo! Hindi naman ah!

"Haha. Joke lang. Ang pikon mo."

"Ikaw nga tinitiis ko lang yun hininga mo eh. Amoy kanal!" Bawi nya sabay belat.

"E ikaw yung buhok mo amoy sunog!

"Yung sayo amoy paa!


Para kaming batang nag-aasaran ni Samantha buong mag hapon. Last day of exams na kasi namin. Simula bukas, wala na kaming pasok. 

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon