Conflict 25- And So they Kissed

53.6K 794 75
                                    


( Samantha's POV) 


Ano 'to? Ano 'tong feeling na 'to? Parang namumula ata ako. Nakatulog si Raven habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Parang hindi ako makagalaw. Tapos nakayakap pa sya. No~


"Raven! Gumising ka nga dyan." Inaalog alog ko sya para magising.

"Sam. . ." Tawag nya saakin. Though I bet it was unconsciously.  

"Huy Raven ano ba? Umuwi ka na.

"Butteryflies.

"A-ano?"

"Butterflies everywhere~ hehe."


There's no use. Mukhang malalim na nga ang tulog nya. Nananaginip na nga eh.


Maya maya pa, narinig ko nalang na may kumatok sa pinto mula sa labas. 


"Naku, si mama na yun!" I muttered. "Raven gumising ka na bilis!


Pilit ko syang ginigising pero parang napasarap na ang tulog nya. Plano ko na syang ibato sa bintana palabas pero hindi naman makatao yun. Kaya itinayo ko nalang sya at inalalayan para i-akyat sa kwarto ko.


"Ang bigat mo naman! Kyaa~" Buong lakas kong hatak sakanya.


Palakas na ng palakas ang katok ng pinto. Sumisigaw na rin si Mama.


"Samantha Grace! Buksan mo nga 'to." Sigaw ni mama.


Mas lalo pa akong nagmadali. Dahil sa adrenaline rush, mabilis ko syang nakalakad paakyat sa kwarto. Wala na akong pakealam kung mauntog-untog sya sa hagdan. Ang mahalaga, naibalibag ko na sya sa kama. Dali dali naman akong tumakbo ulit ako pababa para pagbuksan ng pinto si mama.


"What took you so long?" Pagalit na tanong nya.

"E kasi. . . natutulog na ako eh. Hehe." Palusot ko.

"Ano ka ba? E diba sinabi ko naman sayo na hintayin mo ako dahil gabi na ako makauwi?

"Hehehe oo nga. Hahaha. Sorry.

"Sige na, tama na ang paliwanag. By the way, may dala akong lasagna, kumain na muna tayo bago ka matulog ulit."

"Er. . ." Napalingon ako sa direksyon ng kwarto ko. "Ok sige." Nag-aalinlangang sagot ko.


Habang kumakain kami, hindi ako mapakali na baka magising si Raven at magwala. Sigurado mapapagalitan ako ni mama pag nalaman nyang nag-uwi ako ng lasing dito sa bahay. Worse, baka pagbintangan nya pa akong uminon rin. Bad timing naman kasi 'tong si Raven eh.


"Ang laki na ng anak nya! Kasing laki mo na rin siguro. At artistahin pa ang itsura!" OA na pagkukwento ni Mama.

"Uh. . . Hahaha. Wow." Agree nalang ako ng agree kay mama kahit wala naman akong naiintindihan sakanya.

"Sya nga pala Sam, namimiss ka na raw ng ninang mo. Kanina nya pa ako kinukulit na dalhin raw kita sakanya, ipapakilala ka raw nya dun sa gwapo nyang anak. Hahaha."

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon