(Adrian's POV)
"Ano ba? Tatayo nalang ba tayo dito?" Tanong ni Zoey na tila naiinip.
"Uh. . ." Napakamot lang ako sa cheeks. Hindi ko alam ang dapat sabihin.
"Hay nako. Tara, dun na nga muna tayo sa room mo." Aya nya saakin.
R-room ko? Seryoso ba sya? At ano namang gagawin namin sa kwarto ko?
Hinila nalang nya ako bigla upstairs papasok sa kwarto ko. Nauna na syang umupo sa kama habang ako, nagdadalawang isip pa kung papasok ba ako o hindi. Dahan dahan kong inihakbang ang paa ko papasok.
"I-lock mo naman yung pinto oh." Nagpapacute pa sya. Just like she's trying to seduce me?
I did what she exactly said. Dahan-dahan kong inilock ang pinto. Mukhang alam ko na kung anong intensyon nya. Hihihihi ( Demon's Chuckle )
Mabagal akong lumakad papalapit sakanya nang nakangiti. If this is what she wanted, then I'll give it to her!
Papalapit na sana ako sakanya nang bigla nyang ini-stretch ang paa nya papunta sa mukha na tila intensyon nyang sipain ako. Hinangin pa ang buhok ko sa lakas ng pwersa ng pagsipa nya.
"Ikaaaaaaawwwww. . . Urghh." Tila galit na galit sya.
Bigla syang tumayo at humarap saakin. Para akong nanliliit sa mga nag-aapoy nyang tingin. Bumwelo sya para sa isang suntok. I know that this time, she's not planning to miss. Kaya naman wala na akong choice kundi umilag nalang. And luckily, I successfully dodged it. Her punch landed to the door and left a small crack on it. Nanlaki nalang ang mata ko sa ginawa nya.
Sa labas ng kwarto. . .
"Anu yun?" Tanong ni Ashley na narinig ang ingay mula sa kwarto.
"Naglalaro nanaman sila kuya Raven at Ate Zoey." Sagot ni Rio habang busy sa paggawa ng homework.
"A-anong laro?" Ashley sounds worried.
"Ano pa. E di Wrestling. Ganyan naman sila lagi pag pumupunta si Ate Zoey dito diba? *Sigh* di ka na nasanay."
Sa Kwarto. . .
"A-ano bang ginagawa mo?" Para akong sira na naka-upo sa dulo ng kama habang nakaharang ng unan sa katawan.
"Nagtatanong ka pa ha." Sumugod nanaman sya.
Di ko talaga alam kung anong kasalanan ko dito kay Zoey pero kung ano man yun, siguradong malaki.
She landed an Ultra kick on me but luckily, nakaiwas muli ako.
"Teka Zoey! Ano bang ginagawa mo bakit—" di nya na ako binibigyan pa ng chance para mag salita. Sugod lang sya ng Sugod.
She, again, threw a punch. And this time, it's much harder than the last one. Halos magiba na ang kama sa ginagawa nya! Babae ba talaga 'to? Kung makasuntok at makasipa akala mo Power Ranger na sabik makapatay ng inosenteng nilalang eh. T.T
Nang makahanap ako ng chance para makatakas, tumakbo ako papunta sa ilalim ng study table.
"Zoey please! Tama na. Wala naman akong ginagawang masama ih." Halos maiyak na ako sa ginagawa nya.
But a simple please won't make her stop. Sumugod nanaman sya at chinop ang mesa. Oo! Na-chop nya talaga! As in nahati sa dalawa! Hirap paniwalaan no?

BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...