Conflict 12- A 6 day Countdown; Day 5

73.2K 1K 123
                                    

"Sino ka ba talaga? Bakit ka umiiwas?"

"Hindi pa ako pwedeng magpakilala. Mainit pa ang sitwasyon."

"Pero may hinala na ako kung sino ka."

". . . ."

"Ikaw si. . . . Raven diba?"

(Samantha's POV)

5th Day

Football Training: Practice Match

"Sinabi ko na sa mga teammates ko na mag practice game ngayon. Feeling ko medyo kaya ko naman na eh." Said Adrian. He seems confident the way he speaks.

"O di maganda kung ganun. Atleast mas matututo ka na ngayon." Bati ko sakanya.

"Oo nga! Sana lang di ako mapahiya." Sabay kamot sya sa batok.

Panglimang araw na ni Adrian sa pag t-training. Oo, malaki ang iginaling nya pero malayo padin sa galing ng totoong Raven. Kaya naman naisipan kong magpractice game sya kasama ang teammates nya nang sa ganun, maexperience nyang maglaro in actual.

Nagagawa nya nang paglaruan ang bola sa paa papuntang tuhod at sa ulo. Nakakabilib nga sya eh. Nag progress sya nang ganito kabilis. Ang sabi nya naman saakin, di raw sya tumitigil kakapractice hanggang sa kwarto.

Since Saturday ngayon, wala kaming pasok. Naisipan ko munang panuorin si Adrian maglaro. Pero bago ako pumunta dito, nakasalubong ko si Hillary. Kung naaalala nyo, si Hillary yung tumulong nun kay Adrian. At sa pagkakaalam ko, kilala nya si Adrian as Raven. Anyway, nabanggit ko na may laban si Raven this Monday at on the way ako ngayon dito sa field para panuorin ang practice match nila. Wala naman raw ibang mapupuntahan si Hillary kaya sumama sya saakin dito.

"Balita ko si Raven daw ang star player ng team nila?" Nakangiting sabi saakin ni Hillary habang magkatabi kaming nakaupo sa bench na kaharap ng field.

"Oo raw sabi nga nila. Ha-ha-ha." Ang corny nung tawa ko.

"Naeexcite tuloy akong makita syang maglaro." Her face is too bright.

Finally, nagstart na ang laro. Nagtagal ang practice game ng mga 30 minutes lang. Magaling ang ipinakita ni Adrian bagamat hindi parin ganun kahusay. Tinap pa sya sa balikat nung isang teammate nya.

"Oh Raven. Sana galingan mo sa game natin ah. I know you got more to show on Monday. Kaya Good luck saatin."

Nag nod lang si Adrian dahil pagod na pagod na rin sya sa laro. Maya maya, lumapit sya saamin at umupo sa tabi ni Hillary. Pinunasan sya ni Hillary ng towel nang makitang pawis na pawis sya. Parang ang close nila kung titingnan. Ewan, parang kakaiba lang yung feeling. Ang alam ko kasi wala pang months na magkakilala silang dalawa. But why does Hillary shows too much care when it's not so necessary?

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko kay Adrian.

"Hindi pa eh. Isang round pa mamaya." Sagot nya.

"After neto gusto nyong maglunch?" Suggest ni Hillary.

"Haha. Sure." Nakangiting sagot ni Adrian.

Di ko alam pero parang nakaramdam ako ng kung ano nung nag-Agree si Adrian kay Hillary. Kakaibang Sensation eh. Parang biglang nawala ako sa mood.

"O Sam, san mo ba gustong maglunch?" Tanong ni Adrian.

"Sige kayo nalang!" I answered coldly.

"Ha? B-bakit?" Tanong nya ulit.

"Wala. Mag Enjoy nalang kayo." I faked my smile.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon