Conflict 43- Deal with it, Raven

41.2K 561 32
                                        

(Raven's POV)

"Oh diba nakakainis? Wala na nga syang gift saakin. Ta's kinalimutan nya pa na Birthday ko." Samantha will almost cry.

"Ok lang yan. Hindi naman natin sya masisisi eh. Siguro nawala lang sa isip nya. Pero kung naalala nya naman yun, sigurado gagawin nyang espesyal ang araw mo eh." Comfort ko sakanya.

"Hindi yun Raven eh. Simula palang nung maliliit pa kami. Walang dumaan na Birthday ko na hindi kami magkasamang dalawa. Kasama sya lagi sa Celebration ko. Kaya hindi ko alam kung bakit nakalimutan nya yung araw na yun?

"Wala tayong magagawa. Hindi naman natin alam kung anong iniisip ni Adrian." I lend my shoulders to her.

Ipinatong nya lang sandali ang ulo nya sa balikat ko at nagemote-emote. Pero maya maya pa...

"Di ko sya mapapatawad!!" She said clenching her fist to her other. 

"'Wag ka ngang OA Samantha. Parang yun lang eh.."

"Anong parang yun lang? Malaking bagay yun sakin!!

"Are you forgetting something? We promised Hillary to watch Adrian out and to fix whatever misunderstanding we've all get through."

"Pero kasiiii..."

"Just let it pass. Ayusin nalang natin 'to. 'Wag kang mag-alala, ako nang kakausap kay Adrian."

"Bahala ka nga!" She turn her back to me crossing her arms. "Magkampi kayo.. hmp!"

"Hindi naman sa ganun.. A-ano lang kasi.. Ayaw ko namang mas lumaki pa ang gulo eh.. S-Samantha naman eh...

"'Wag mo akong kausapin! Di tayo bati."

Matapos kong lambingin si Samantha, agad na akong nagpaalam para umalis. Pupunta kasi ako ngayon kay Adrian para kausapin sya tungkol sa nangyari. Di ko nga alam kung bakit masyado na akong nagiging concern eh. Di ko na rin magawang magalit kay Samantha. Hindi tulad ng dati na halos minu-minuto, inaasar ko sya. Napansin nyo ba yun? xD

Dahil na rin siguro sa natatakot akong mawala si Samantha saakin. Napaka importante nya kasi saakin eh. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang sinasabi ng puso ko. Parang bigla nalang akong naprogram para mahalin sya.. 

"Rio, andyan ba ang kuya mo?" Tanong ko kay Rio pagbukas nya ng pinto.

"Ewan.. hindi ko alam." Masungit nyang sagot.

"Ha? Hindi ba kayo magkasama?"

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon