Play the Video While Reading. Enjoy~
(Adrian's POV)
6th Day
Football Training: Rest Day
Sa wakas! Makakapagpahinga na rin ako after 5 days ng walang tigil na practice. Pero di ko padin dapat alisin sa isip ko na sa Lunes na ang laban namin.
Sa tingin ko, hindi naman na siguro problema yun. Medyo gumaling naman na ako sa paglalaro eh. But still, kinakabahan padin ako. Mataas ang expectation nila saakin for sure.
Sa ngayon, pinag-iisipan ko muna kung paano ko gagamiting ang rest day ko. Hihiga nalang ba ako sa kwarto buong araw? Tutunganga? Kakain? O kaya naman mamasyal? Hmm. . the last option sounds good kaya sige, mamamasyal nalang ako. Pero sino bang magandang kasama? Si Sam? Hm. . . ang boring kasama nun eh. Eh kung si Hillary naman, kasama ko na sya buong araw kahapon. Baka naman magsawa sya saakin. Hm. . . Ah! Si Zoey nalang! Ay hindi, teka teka. Hindi pala ako makakapagrelax kung sya ang kasama ko. -,-
Hay Ewan! Bahala na! Hihiga nalang ako buong maghapon. Magpapahinga nalang talaga ako. Nastress lang ako kakaisip eh. Mas maganda nang matulog nalang ako.
"Mama Rosi. Samahan mo na ako. Mabilis lang naman yun ih." Dinig ko ang boses ni Rio mula sa labas ng kwarto.
"Di nga ako pwedeng umalis ng bahay Rio. Kay Ashley ka nalang magpasama kung gusto mo." Sagot naman ni Mama Rosi.
"Ate Ashley~ tara na! Si Mama Rosi na'ng nagsabi oh." Pilit nya pa.
"Alam mo naman na madali akong maligaw diba?" Katwiran ni Ashley. "Di nga ako makapamalengke nang di kasama si Tita Rosi eh. Pati, baka kung anong mangyari saatin. Alam mo naman ang panahon ngayon diba?"
Di ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Kaya naman dahil sa curiousity ko, naisipan kong lumabas para tingnan kung anong nangyayari.
"Oh yan. Nagising na tuloy ang kuya mo." Sita ni Mama Rosi nang makita akong lumabas ng kwarto.
"Ah! hindi po. Kanina pa talaga ako gising." I said. "Anyway, ano bang nangyayari dito?"
"Ito po kasing si Rio, nagpapasama sa Labas. Ipapagawa daw nya yung Xbox nya." Paliwanag ni Ashley.
"Ganun ba? Sige ako nalang sasama sayo." I smiled at Rio.
"Er? Sure ka?" Tila nagtataka nyang tanong.
"Oo naman!" I said. "Pero maliligo lang muna ako ha? Hintayin mo nalang ako sa sala. Mabilis lang naman ako eh."
"Oh. . . ok." Rio shrugs.
After kong naligo, nagsuot lang ako ng simpleng blue collared shirt at white pants. Sinabihan ni Mama Rosi si Ashley na samahan na din kami. Pumayag naman sya pero medyo nahihiya. Feeling ko di parin sya makamove-on dun sa nangyari saamin nun. Ang Awkward talaga nun.
Anyway, nagtaxi na kami hanggang Festival mall. Pagdating namin dun, agad kaming humanap ng pwedeng mapag-ayusan ng X-box.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...
