(Samantha's POV)
"Ano na kayang nangyari sakanila?" Nanginginig kong tanong kay Bryan.
"Ewan." He shrugged. "Pero sa tingin ko kailangan na natin silang hanapin para makasigurado tayo."
Hindi namin sure ni Bryan kung nasaan kami ngayon pero alam naming hindi kami nalalayo sa iba. Dalawang sigaw na kasi ang narinig namin. Isang sigaw na galing kay Zoey at isa kay Hillary.
Mahigpit akong nakakapit sa braso ni Bryan. Bumubuo ng mga nakakatakot na figure ang bawat naiilawan ng flashlight namin.
Pero hindi yun ang kinatakot ko.
May kung ano-ano akong naririnig na nagpapatayo sa mga balahibo ko at sigurado akong narinig rin yun ni Bryan. Iyak. Iyak ng bata. Nung una isa lang hanggang sa naging dalawa, apat, at parami pa ng parami.
Nagkatinginan kami ni Bryan, nagdadalawang isip kung tatakbo na ba kami o hindi. Hanggang sa sabay na kaming napasigaw at nagpasya na tumakbo na nga.
Hindi na namin alam kung saan kami mapupunta. Basta tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa matakasan namin ang mga iyak. Pero parang baliktad ang nangyayari. Mas lumalakas pa ata ang iyak. Yung mga iyak na parang totoo talaga. First time ko maka-experience ng ganito!
Hawak ni Bryan ang kamay ko habang nasa unahan sya sa pagtakbo. At dahil madilim ang daan, hindi ko napansin na may maliit na butas sa sahig kaya lumusot ang paa ko dito. Napaupo ako bigla kaya nabitawan ni Bryan ang kamay ko.
"Sam! Ayos ka lang?" Tanong ni Bryan. Itinapat nya ang flashlight saakin dahilan para masilaw ako.
"Oo, ayos lang ako." I'm trying to stand up.
"Teka. Tulungan na kitang—" Bigla nalang nahulog sa sahig ang flashlight.
"Bryan?" I called. Pero hindi sya sumasagot. "Bryan! Nasaan ka?"
Pinilit kong makatayo at kinuha ang flashlight sa sahig. Inilawan ko ang paligid pero hindi ko makita si Bryan. Wala akong idea kung saan sya napunta pero I got this feeling na hindi lang sya basta basta umalis.
Kahit takot na takot, tinahak ko parin ang daan hanggang sa nakita ko na ang liwanag palabas. Pero bago pa man ako makaapak palabas, may narinig nanaman ako ulit. Hindi lang iyak ng mga bata. Parang meron ding sigaw ng lalaki. Galit na lalaki! At hindi yun nalalayo sa pwesto ko.
Sa itaas ko ay ang second floor ng bahay. May mga kwarto dun at feeling ko, isa sa mga kwarto na yun ang pinang gagalingan ng mga iyak.
Pinag-iisipan ko kung aakyat ba ako o hindi. Pero sa huli, nasunod padin ang curiousity ko. Ewan ko ba kung bakit!
Anyway, inisa isa kong sinilip ang mga pintong nadadaanan ko sa 2nd floor. At nung nasa dulo na ako, bigla nalang ako napahinto sa nakita ko sa loob ng kwarto.
(Adrian's POV)
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...