(Raven's POV)
"Ano ka ba Samantha, kakain ka ba talaga o hindi?" Magkaharap kami ngayon sa table ng kinakainan namin burger shop. Kanina pa ako kwento ng kwento sakanya pero tila malalim ang iniisip nya.
"Busog pa ako." She coldly answered.
"Eh bakit ka pa umorder kung di ka kakain? Nagsasayang ka ba ng pera?"
"Aish! Ang ingay mo. Ayan na oh, sayo na!" Pagalit nyang inabot saakin ang nakabalot nya pang cheese burger.
"Ah! Sigurado kang akin na 'to ah. Di ako tatanggi." Kinuha ko 'to agad.
"Oo na oo na. Sungalngal mo lahat sa bibig mo."
"Hahaha. Talaga!"
I don't know what's up with her, pero sa tingin ko may connect 'to sa nangyari sakanila ni Adrian kanina. Adrian is acting weird as well. Hindi ko matukoy kung anong problema nilang magbestfriend. Pareho talaga silang may topak.
"Sya nga pala Raven, kamusta na kayo ni Hillary?" She suddenly asked.
"K-kami? Hm. . . ganun padin. Hindi padin nya ako kinakausap. Bakit mo naman natanong bigla?"
"Eh kasi feeling ko, may connect sya sa kung bakit nag-iiba ang pakikitungo saakin ni Adrian. Hindi naman kaya, may gusto na sila sa isa't isa kaya sya umiiwas saakin?"
"I dunno." I shrugged.
"Hey! Bakit parang ok lang sayo? Hindi ba dapat mainis ka?"
"Bakit naman ako maiinis?" Tanong ko pabalik.
"Kasi baka nagkakamabutihan na silang dalawa! Baka mamaya maunahan ka na ni Adre kay Hillary."
"And so?"
"Anong 'and so'? Ugh! Bakit ba parang ok lang sayo? Parang kailan lang, takot na takot kang maging close yung dalawa. Tapos ngayon, wala nalang sayo?"
"Haay. Ang sabihin mo, ikaw lang ang may ayaw. Kasi may gusto ka na kay Adrian."
"H-HA?" Halos mapatayo sya sa kinauupuan nya.
"Hindi ba nasabi ko na sayo noon, napapagod na ako kakahintay at kakaintindi sakanya."
"Ibig sabihin, hindi mo na gusto si Hillary?"
"Siguro. Pwedeng ganun na nga."
"Ayos ka rin ah."
"Eh bakit, masisisi mo ba ako? Parang hindi naman kasi makatarungan ang gustong mangyari ni Days eh. At isa pa, parang hindi nya rin naman ako mahal. Kasi kung mahal nya ako, hindi nya ako pahihirapan. So why waste time?"
Hindi nakasagot si Samantha sa mga sinabi ko. Siguro naintindihan nya rin ang point ko at alam nyang tama ako.
"Pero bakit, parang ang bilis?" She asks. "I mean, natanggap mo na agad?"
"Hindi naman yun mahirap eh. Lalo na kapag may tumutulong sayong makapag move on."
"Tumutulong?"
Napatingin lang ako sakanya. Medyo naiinis ako kasi ang slow slow nya. Hindi nya pa ba alam na sya yung tinutukoy ko? Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Half Dead
ParanormalAdrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a completely different body. The best part? He is an instant hearthrob! Now he gets girls, praises, and co...