>> >>---- ♡ ----<< <<
Kabanata 2
>> >>---- ♡ ----<< <<3RD PERSON's POV
"Salamat ija." Galak na sambit ng ginang na bakas mo talaga sa mukha ang saya matapos marinig ang kan'yang naging pas'ya kaya tumango na lamang siya
"Oh siya, puntahan mo na si Azuna sa Malan. Ilang minuto na lamang at aalis na ang tren papuntang akademya." Tinulungan siya nito na i-empake ang kan'yang mga damit at nang matapos ay yumuko siya rito bilang paggalang
"Maraming salamat sa lahat nay Liyana. Kayo na po ang bahala sa bahay na ito." Sambit niya
"Oo naman ija, mag-iingat kayo roon. Mami-miss ko kayo. Sumulat kayo ha?" Niyakap siya nito at gano'n din naman ang ginawa niya
Ngumiti siya at tsaka marahan na tumango bago kumalas mula sa pagkakayakap dito.
Isinukbit niya ang malaking bag sa balikat tsaka siya lumabas sa bahay na matagal niya ring hindi matutuluyan.
"Aalis na po ako nay liyana." Aniya nang lingunin niya ang ginang na nasa loob ng kan'yang bahay
"Gabayan nawa kayo ni diyosa anasari." Ngumiti nalang siya tsaka tumakbo palabas sa kanilang bakuran
"Paalam Yeshin/Ate!"
Malapad siyang ngumiti sa mga bata, ginang at ginoo na kumakaway ngayon sa kan'ya.
Nasa labas ng kanilang bahay ang mga ito habang nakangiting nakatanaw sa kan'ya na ngayon ay papalayo na sa kanila.
"Paalam din!" Aniya
Lahat ng madaanan niya ay nagpapaalam sa kan'ya. Ang iba pa nga ay naging emosyonal lalo na ang mga bata na umiiyak dahil ayaw ng mga ito na umalis siya kaya naman minapula niya ang hangin upang ibahagi sa mga ito ang rosas na papel na kan'yang ginawa.
"Huwag kayong umiyak. Magpakabait kayo sa inyong mga magulang, maliwanag? Babalik din ako rito at habang wala ako ay si liyo muna ang magpapakita ng magic tricks sa inyo." Sambit niya tsaka itinuro si Liyo na tinuruan niya ng ilang magic tricks na hindi kakailanganin ang hangin
Tumahan naman sa pag-iyak ang mga ito.
"Huwag kang mag-alala ate Yeshin! Ako ang bahala sa kanila!" Ani Liyo na pinipigilan ang sarili na umiyak
"May tiwala ako sa'yo liyo!" Kinindatan niya ito at napatawa nalang siya ng hindi na nito napigilan ang sarili na umiyak
"Ate Yeshin waahhhh!!!" Ngawa nito
"Ang iyakin mo pala kuya Liyo. Mas malakas pa ang iyak mo kaysa sa amin." Tukso rito ng mga bata na kanina lang ay nag-iiyakan din
"Ate Yeshin, bumalik din po kayo rito ni ate Azuna ha? Mami-miss po namin kayo!"
"Mag-iingat po kayo roon!"
"Salamat!" Aniya bago sumakay sa isang malapad na dahon at tsaka niya kinontrol ang hangin upang makalipad.
Mula sa himpapawid ay tinanaw niya ang lugar na kinalakihan.
Paniguradong mami-miss niya ng sobra ang lugar na iyon pati na rin ang mga taong naroon na naging bahagi na ng kan'yang buhay.
Ibinaba niya ang sarili sa lupa matapos makarating sa Malan at sakto naman na limang minuto nalang at aalis na ang tren na magdadala sa kanila sa Soriah.
Ang Malan nga pala ay isang lugar na matatagpuan sa Malbar. Mayro'n itong malawak na kapaligiran na para talaga sa mga transportasyon.
Mabilis siyang pumasok sa tren at luminga-linga sa paligid at nang hindi makita ang kaibigan dahil sa dami ng mga Sorians na mukhang galing sa mga kalapit na lugar ay nag-pasya siyang gamitin ang sigma.
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...