Kabanata 36

528 29 5
                                    

KABANATA 36

NANG makita ang mga dating kagrupo ay nakahinga ng maluwag si Siron kahit papaano.

Hindi niya alam kung bakit naroon ang mga ito pero mabuti nalang at napadalaw sila. At least, nadagdagan ang p'wersa nila ngayon. Lalo na't kailangan na kailangan nila iyon sa mga oras na 'to. Beside, he trust their skills. They are a reliable allies.

“Long time no see, Leader.” Sambit ni Warson nang mapunta ang tingin kay Siron na kanilang Leader sa TECIAN noon.

“This isn't the right time to greet each other, Warson.” Kaswal na sagot naman ni Siron.

“Right. Then let's talk about it later once we are done with this one.” Tiningala ni Warson ang higante kasabay nang pagguhit ng mapaglarong ngisi sa mga labi nito.

“Ang tagal na rin naming hindi nakikipaglaban. Sa wakas ay magagamit na rin ulit namin ang kakayahan sa totoong laban.” May excitement na sambit pa nito kasabay nang pag-atake nila sa higante.

Samantala, Mataman lang na nakamasid si Yeshin sa mga nangyayari. Ang mga mata niya ay nakatutok sa dalawang myembro ng TECIAN na kasalukuyan ng nakikipaglaban sa dambuhalang estudyante.

Mabilis ang pagkilos ng mga ito. Hindi nila masundan ang bawat paggalaw nila. Mukhang mga expert na talaga sila pagdating sa pakikipaglaban. No wonder they became the heroes of ansoria.

Natutok ang mga mata niya sa ama ni Ophelia na gumawa ng dambuhalang kamay na gawa sa matibay na kahoy at sinuntok sa mukha ang kalaban nilang higante na nawalan naman ng balanse kaya dire-diretsong natumba subalit bago pa man ito tuluyang bumagsak sa lupa ay gumawa na siya ng barrier upang hindi sila tumalsik sa lakas ng impact nang pagbulagta nito.

She winced nang yumanig ang lupa. Hindi na nakapagtataka. Sa bigat ba naman ng higante ay dapat na iyong asahan.

Nang mawala ang alikabok ay nakita naman nila si Preston na binalot ng bakal ang higante na ngayon ay hindi makagalaw subalit panay ang pagpapakawala ng nakaririnding ingay.

“Urgh! He's so loud! Please do something about his mouth, uncle!” Sigaw ni Virenia na mariin ang pagkakatakip sa kan'yang tenga.

“As the princess, wishes!” Masiyahing sagot naman ng ama ni Ophelia at akmang tatakpan ng ugat ang bibig ng higante subalit pinigilan ito ni Preston.

“Mamaya na. Hindi pa nakakalabas 'yong sumanib sa kan'ya.” Sambit nito.

“Hahaha! Oo nga 'no,” Napakamot ito sa ulo tsaka tinapik sa balikat ang napailing nalang na si Preston.

Nagpatuloy sa pag-iingay ang higante subalit hindi pa rin lumalabas ang pumasok dito. Mukhang wala iyong balak na lisanin ang katawan ng estudyante which is no longer surprising dahil sa oras na lumabas ito ay tapos na ang laban. Wala na itong p'wede pang pasukan.

Napabangon si Yeshin bigla mula sa pagkakahiga dahil hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon.

Bakit parang may nakalimutan siyang importante?

Mariin siyang napapikit upang alalahanin kung ano iyon at napamura nalang siya nang mapagtanto kung ano iyon.

Agaran siyang lumingon sa mga estudyante na pinatulog ng ama ni Ophelia kanina nang dumating ang mga ito.

Napatayo siya bigla tsaka lumingon sa kan'yang paligid at napansin naman siya ng mga kasamahan.

“May problema ba, shin?” Hindi niya pinansin ang mga ito.

She's not in the mood to talk with them at this moment since they are now in a big trouble.

“SHIT.” Lumingon siya sa higante nang makaramdam ng kakaiba roon matapos niyang mag-focus.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon