KABANATA 43
3RD PERSON's POV
NASA kalagitnaan ng kasiyahan sila Yeshin nang makarinig sila ng ingay mula sa labas ng silid na kinalalagyan nila. Tila may nagwawala na kung sino.
“A-AHHH! IBALIK NIYO ANG BINTI KO! IBALIK NIYO! BITAWAN NIYO KO! PAKAWALAN NIYO KO!” Rinig nila na sigaw nito.
“T-teka...Boses 'yon ni Nathalie ah?” Sambit ni Angela na siyang unang nakakilala sa boses maliban kay Yeshin na ngayon ay blangko ang ekspres'yon.
“S-sa tingin ko rin. P-pero ano 'yong sinasabi niya? Tama ba 'yong narinig ko? P-pinapabalik niya 'yong b-binti niya...?” Nag-aalangan na sambit naman ni Rina.
“B-baka hindi siya? Imposible naman na nandito siya sa clini—No...” Nanlaki bigla ang mga mata nila matapos mapagtanto na ilang araw din nila itong hindi nakita magmula noong may nangyaring kaguluhan sa kanilang paaralan.
Agad silang napatingin sa may pintuan nang bumukas iyon at ibinungad ang nag-aalangan na healer.
“G-gising na si Ms.Nathalie.” Pagkatapos nito iyong sabihin ay ipinasok nila si Nathalie na naka-wheel chair at pilit nagwawala habang hawak ito sa magkabilang braso ng dalawa pang healer subalit ang higit na nakaagaw sa kanilang atens'yon ay ang puting tela na nakabalot sa binti nito.
“N-nathalie? I-ikaw nga!” Napatakbo rito sila Azuna at gano'n na lamang ang gimbal nila matapos bumaba ng tingin nila sa binti nito na ngayon ay hindi na makita pa ang mga paa.
Napasinghap tuloy sila't namutla.
Hindi naman ito kumibo. Imbis na matuwa nang makita sila ay binalot ng kaba ang dibdib nito.
“A-ano'ng nangyari sa 'yo? S-sinong gumawa n'yan?” Napakurap ito matapos nila iyong itanong.
Biglang nawala ang kaba sa dibdib nito nang mapagtanto na tila hindi pa nila alam ang totoo tungkol sa kan'ya at sa mga ginawa niya kaya hindi pa siya kinukuyog, isinusumpa, at inaabandona ng mga ito. They still treats her the same as before.
Inilibot niya ang paningin sa mga ito at nang makita na wala roon si Yeshin ay napangisi nalang siya sa kan'yang isip. Wala pa nga talagang ideya at kaalam-alam ang mga ito sa mga kasamaan na pinaggagagawa niya.
Base sa natatandaan niya bago siya mawalan ng ulirat ay nagkakagulo ang lahat. Posible kaya na napuruhan si Yeshin kaya wala ito roon at hindi pa nasasabi nito sa kanila ang totoo?
Kung gano'n ay maloloko't magagamit niya pa ang mga ito bago siya tatakas sa akademya. Kung malala nga ang lagay ni Yeshin kagaya ng nasa isip niya ay tatapusin niya na rin ito bago siya aalis upang takasan ang nagbabadyang parusa sa oras na magising ito at maisumbong pa ang mga ginawa niya.
Pagkakataon niya na ito. She won't let this slide. Gaganti siya sa babae sa huling pagkakataon.
“It's your fault. So, don't blame me, Yeshin.” Mariin niyang sambit sa isipan dahil hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa galit dahil sa ginawa nito sa kan'ya.
She took away her rights to walks and live a normal life. Kaya naman pagbabayarin niya ito sa ginawa nito.
“T-tulungan niyo 'ko! Ipabalik niyo sa kanila ang mga paa ko!” Paawa niya sa Necian.
Tumingin naman sila Virenia sa healer na agad namang umiling na ang ibig sabihin ay hindi nila iyon kayang gawin lalo na't wala sa kanila ang putol nitong binti.
“P-please! Please! K-kailangan ko ang mga paa ko! Ayaw kong maging baldado!” Umiiyak na sambit ng muli ay naghi-histerikal na si Nathalie.
“K-kumalma ka! G-gagawa kami ng paraan. N-nasaan ba 'yong binti mo? S-saan naiwan?”
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
