Kabanata 48

564 23 3
                                    

KABANATA 48

3RD PERSON's POV

MALALIM na ang gabi subalit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Yeshin. May kung ano ngayong gabi na hindi siya pinapatulog. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan at kahit gusto niya ng magpahinga ay hindi naman sumasang-ayon ang mga mata niya.

“Damn!” Inis niyang ginulo ang buhok matapos bumangon nang hindi na siya makatiis pa.

Buti pa ang kaibigan na si Azuna ay mahimbing ng natutulog ngayon.

Napabuga nalang siya nang marahas na hangin tsaka mariin na ipinikit ang kan'yang mga mata pero agad din siyang napadilat nang may maramdam na sobrang pamilyar na awra.

“H-hah! Are you kidding me?” Hindi makapaniwang sambit niya kasabay nang pagguhit ng hilaw na ngisi sa kan'yang mga labi as she immediately stood up at lumapit sa bintana ng kan'yang silid at nakita niya naman ang ilang nagbabantay sa gate ng akademya na nagkakagulo at mukhang may hinahanap.

Mariin niya nalang naman na naikuyom ang kan'yang kamao.

“Find the intruder!” Rinig niyang sambit ng mga ito kaya agad niyang kinuha ang cloak at isinuot iyon as she teleported outside of her dorm at pinakiramdaman ang paligid niya.

“You are really here,” Malamig niyang sambit nang matagpuan ang presens'ya ng taong hinahanap ng mga g'wardiya.

She teleported where she felt his presence subalit kasabay niya rin na dumating sa kinaroroonan nito si Val at nang mahuhuli na nito ang intruder ay nagteleport siya sa pagitan ng mga ito tsaka niya hinawi ang kamay ni Val as she held the shoulder of the intruder at itineleport ito paalis sa parte na 'yon ng akademya.

“Val! Ano'ng nangyari? Nasaan na 'yong intruder?” Agad na tanong ni Remus na kasama si Fiero nang makarating ang mga ito sa kung nasaan si Val.

Gising pa kasi silang tatlo nang marinig nila ang mga g'wardiya na tila may hinahabol kaya naman lumabas sila at nagpresinta na tutulungan ang mga ito. Inimporma na rin nila ang headmaster kaya paniguradong papunta na rin ito kasama ang iba pang m'yembro ng tecian sa kung nasaan sila.

Napakurap naman si Val na natigilan kanina dahil hindi nito inaasahan na may darating upang pigilan siya.

He clenched his fist in disappointment.

“Someone arrived and took the intruder away. I think they already escaped.” Hinilot ni Val ang kumirot na sentido.

Once again, he failed to do things properly.

“Have you seen the person who helped him?” Napalingon sila sa headmaster na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanila kasama si Stacy, Waron at Preston.

“I-i'm sorry, headmaster. I wasn't able to see whoever it was. Nakausot ito ng cloak. It's also quite dark in here, so, I didn't see that person's face.” Yumuko si Val matapos iyong sabihin.

He's blaming himself for letting these people down again.

“Nevermind. Maybe that's his accomplice, after all.” Sagot naman ni Siron.

Sinubukan nilang pakiramdam ang kanilang paligid subalit wala na silang naramdaman pa na kakaiba kaya panigurado nga na nakaalis na ang mga ito.

Pero ano ang pakay nila sa akademya? Ano'ng pakay nito sa kanila?

“Check every parts of the academy and find out what's that person doing here. Maybe he did something that could harm us so search carefully and report back to me.” Maawtoridad na utos ni Siron sa mga g'wardiya na nakarating na rin sa kinaroroonan nila.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon