Kabanata 30

766 35 16
                                        

KABANATA 30

NAIKUYOM ni Yeshin ang kamao. Sobrang lakas nang tibok ng puso niya sa mga oras na 'to.

Is this a joke?

Does someone playing a game with her?

F**K. Whoever is it, then!

"H-hah!" Singhal niya tsaka hindi makapaniwala na tinitigan ang morian na nasa kan'yang harapan.

Isa itong lalaki na nakasuot ng maskara na hindi makita kahit ang mga mata. Tanging ang itim lamang nito na buhok ang makikita mo sa kan'ya.

"We have a same sigma. Shall we find out who's much more powerful and skilled?" Hindi siya sumagot sa sinabi nito

"I'll take that as a yes," Kasabay nang paggalaw nito sa kamay ay ang pagbulusok ng mga wind shuriken papunta sa kan'ya subalit hindi siya natinag.

Isang wind barrier ang nabuo sa kan'yang paligid kaya nagtalsikan pabalik dito ang mga wind shuriken na pinaglaho naman nito sa isang kurap lang.

"You are not that bad. To learned such a technique at a young age is something amusing. I wonder who's your teacher." Sambit nito

"Yona Esreal." Natigilan ito matapos niya iyong sabihin

"Yona Esreal? I heard that she's really an exceptional sorian. An outstanding individual. Now, that you mentioned her, I am really curious if who's much stronger between me and her. I suddenly wants to have a duel with her but just too bad because I heard that she's already dead."

She heard that Yona is Dead?

From whom?

She gritted her teeth at natigilan nalang ito nang bigla siyang sumulpot sa harapan nito at itinapat sa lalamunan nito ang kan'yang hintuturo na ano mang oras ay p'wedeng maglabas ng matalim na hangin upang butasin ang lalamunan nito.

"How did you know? Bilang lang ang nakakaalam na patay na siya at lahat sila ay kakilala ko. Pero ikaw ay ngayon ko lang nakita kaya sabihin mo, paano mo nalaman na wala na siya? SINO'NG NAGSABI SA 'YO?" Madiin niyang tanong dito subalit hindi man lang ito natinag.

How could a morian know that her mother is already dead gayo'ng ang magulang lang ni Azuna ang nakakaalam ng tungkol doon?

"Hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo, Sorian. Masyado ka ng pangahas. I acknowledge your ability but you are now a bother so I better end you here."

Biglang naging clone ang kaharap niya at naglaho.

"I-imposible..." Utal na sambit niya tsaka inangat ang ulo at tinitigan ito dahil ngayon ay hawak na nito ang kan'yang leeg.

"S-shin!" Gamit ang kamay ay sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag silang pakialamanan.

May gusto siyang ikumpirma.

"Hindi ka ba lalaban?" Tanong nito habang nakakunot ang noo subalit hindi siya sumagot.

"Disappointing."

"But before I kill you, tell me your name, young sorian. I shall remember the name of the sorian who managed to stay alive for a couple of minutes after meeting me." Patuloy pa nito

"Yeshin,"

"Yeshin ang pangalan ko." Naramdaman niya na natigilan ito at bigla pang napabitaw mula sa pagkakasakal sa kan'ya subalit ang reaks'yon na 'yon ay hindi niya nagustuhan dahil mas lalo lamang nitong ginulo ang kan'yang nararamdaman.

"B-bakit? Bakit gan'yan ang reaks'yon mo? Sino ka ba? SINO KA BA TALAGA?!" Sigaw niya tsaka dinakot ang k'welyo nito at itinulak ito pahiga kaya bumulusok silang dalawa paibaba subalit bago pa man ito tuluyang dumiretso sa semento ay pinahinto niya na ang pagbulusok nila kaya maayos silang lumapat sa lapag.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon