KABANATA 32
NAPABUNTONG-HININGA si Morticia kasabay nang unti-unting pagbabago ng kan'yang itsura matapos mawala ni Yeshin sa kan'yang paningin
Gumamit siya ng pekeng mukha. Ang itsura na ipinakita niya kay Yeshin ay hindi niya pagmamay-ari. Hindi niya alam subalit may kung ano na nagsasabi sa kan'ya na huwag ipakita rito ang kan'yang totoong itsura.
Napahawak siya sa dibdib dahil hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman.
Kanina pa ito. Nagsimula ito nang magtama ang paningin nila ni Yeshin at lumala pa nang makita niya ang mukha nito at marinig ang pangalan nito.
May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib matapos itong makaharap.
“Who is she?” Bulong niya sa sarili.
Alam niya na ang pangalan nito. Alam niya na rin na anak ito ni Yona subalit pakiramdam niya ay mayro'n pa siyang hindi alam tungkol dito.
Sinapo niya ang kumirot naman na ulo.
Why does yeshin looks so familiar? But it's impossible that she knows a Sorian.
Agad siyang nag-teleport pabalik sa silid nang maramdaman na may paparating na kawal.
Lumabas lang naman siya dahil naramdaman niya ang presensya ni Yeshin.
She will say that yeshin is brave at the same time is impulsive.
Paano kung naramdaman ng iba ang pagdating nito? She might end up dead.
Isa pa, bakit sinabi nito sa kan'ya ang totoong pagkatao? Bakit tila may tiwala ito sa kan'ya na hindi niya 'yon ipagsasabi sa iba?
Well, wala rin naman talaga siyang balak na ipagkalat iyon. She doesn't know why, but she don't feel any hatred towards that child.
Wala siyang maramdaman na kahit kaunting kagustuhan na patayin ito kahit kaya niya 'yong gawin. Kahit na dapat niya iyong gawin dahil magiging malaki itong sagabal sa kanila upang manalo sa nalalapit na digmaan.
Mukha naman kasing totoo ang sinabi nito na anak ito ni Yona dahil wala namang dahilan para pumunta ito sa Demoria at ilagay ang buhay sa kapahamakan para lang lokohin siya.
Isa pa, hindi na nakapagtataka kung ito nga ay anak ni Yona dahil ayon sa pagkakarinig niya ay mahusay nga itong Sorian at mukhang namana iyon ni Yeshin.
Napaupo siya sa kama at napasabunot sa kumikirot pa rin na ulo.
“Y-yeshin...” Bulong niya.
Bakit tila pamilyar ang pangalan na 'yon?
And why did her heart fluttered when she saw her?
Bakit nakaramdam siya ng pananabik at saya matapos itong makita?
Pananabik at saya na ngayon niya lamang ulit naramdaman.
Hindi niya 'yon madalas maramdaman subalit bakit tila napakapamilyar no'n?
As if it's just normal for her to feel that when Yeshin is in front of her.
Parang kilala na parang hindi niya si Yeshin. She feels like she knows her but she can't remember her.
Kahit ano pang kalkal niya sa memorya na naaalala ay wala ito roon.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
Bakit ba ginugulo nito ang kan'yang isip at sistema?
Imposible naman na ginagawa ito ng babae upang linlangin siya dahil nang maglaban sila kanina at matanggal ang maskara na suot nito ay nakita niya ang desperadong tingin sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasía𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...