KABANATA 16
3RD PERSON's POV
TINITIGAN ni Siron si Yeshin tsaka nakangiting umiling.
Sinapo niya ang noo nito at nang maramdaman na hindi na ito mainit hindi kagaya kanina na tila bigla nalang itong liliyab ay nakahinga siya ng maluwag.
Nasa opisina niya siya kanina at papunta na sana sa kan'yang silid subalit biglang dumating ang nurse at sinabing umalis daw ng clinic si Yeshin at mukhang galit kaya naman agad siyang sumama sa nurse para sana hanapin ito.
Malakas kasi ang kan'yang kutob na may hindi na naman mangyayari na maganda at tama nga siya.
He sighed. Habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikita si Yona sa dalaga dahil ang butihing si Yona ay nagiging malupit din at marahas sa mga tao na nangangahas na saktan silang mga kaibigan niya.
Nag-tataka na tuloy siya kung master at apprentice lang ba talaga ang relas'yon ng dalawa.
Napailing nalang siya dahil sa mga naiisip.
Kinumutan niya si Yeshin at sa huling pagkakataon ay sinulyapan.
“Rest well, child.” He whispered as he left her room quietly.
Samantalang sa kabilang banda naman ay maingat na binuksan ni Val ang bintana ng kan'yang silid tsaka dumaan doon.
Tumalon siya pababa sa sanga ng puno at walang ingay na inilapat ang mga paa sa lupa tsaka malapad na ngumiti nang mag-tagumpay.
Hahakbang na sana siya para umalis palayo sa dorm subalit napa-tigil siya nang may mag-salita mula sa kan'yang likuran.
“Where are you going this late at night?” Sambit ng pamilyar na boses kaya mariin na lamang siyang napapikit tsaka kamot batok itong nilingon
Ngumiwi siya at alanganin na sinalubong ang mga mata nito. Nakakunot na naman ang noo nito.
“Why are you still awake?” Balik tanong niya rin dito
He thought he's already inside of his room and sleeping dahil hindi naman nito ugali na magpagala-gala pa 'pag gabi na kaya bakit nasa labas pa ito?
Malas naman niya at nahuli pa siya nito na paalis.
“I'm the one who asked first.” Pagmamatigas nito kaya napa-kamot nalang siya sa ulo
“I want to visit Yeshin to check her condition.” Pag-amin nalang niya sa balak sanang gawin kung hindi lang ito bigla nalang sumulpot at nakita siya.
“Checking a patient's condition huh? Since when did you became a nurse? Why I wasn't aware of it?”
Napabusangot nalang siya dahil sa pagiging sarkastiko nito.
“Kailangan ba na nurse ka para alamin ang lagay ng pasyente?” Hindi papatalo niya ring sagot
“It defends on who wants to know it but in your case it's different. Her condition is no longer your concern. In simple word, it's none of your business.” Kaswal nitong sagot kaya napanguso nalang siya
Sharp tounge. Hindi talaga siya mananalo pagdating sa pakikipag-argumento rito.
“Seriously dre? Can you stop being too harsh? I just want to know if she's fine now. Beside, we owe her a lot. She did what we failed to do.” Sambit niya at natahimik naman ito
“Isa pa, You're the one who seems to care about her...”
“Don't spout nonsense why would I? We have nothing to do with each other. She's just a stranger to me.”
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
