KABANATA 27
“How do you feel? May masakit pa ba sa 'yo? Is there something you want to eat?” Sunod-sunod na tanong ni Stacy sa anak na ngayon ay pinalilibutan nila
“Chill, mom. Maayos na ang pakiramdam ko. And I'm not yet hungry.” Ngiwing sagot naman ni Remus
“Alright. I'm glad to know that you're fine now. But...what happened? How come you got stabbed?”
Nakatuon ang paningin nila rito dahil lahat sila ay nacu-curious kung paanong ang m'yembro ng NECIAN ay nasaksak ng basta-basta at wala man lang bakas ng paglaban.
Bumuntong-hininga naman si Remus bago sumagot.
“To be honest, I don't know. Naglalakad lang ako noon pero bigla nalang akong may naramdaman na kung ano na bumaon sa katawan ko even though I can't see anything.” Sagot niya at nangunot naman ang noo ng Ina
How is that possible?
“Invisible.” Napalingon silang lahat kay Yeshin nang magsalita ito. “The culprit's sigma is invisibility. Malamang ay nagawa rin nitong gawing invisible ang kutsilyo na ginamit that's why she easily managed to approach him.” Patuloy pa nito
“That's right! That's the only clear explanation to what happened.” Sang-ayon naman nila
“Ang galing talaga ni Yeshin” Bulong nila Quila
Samantalang nakagat naman nang may-sala ang kuko ng hinlalaki na daliri matapos marinig ang usapan sa loob ng silid na kinalalagyan ni Remus.
“Panira. PANIRA KA TALAGA YESHIN!” Gigil na bulong nito dahil ngayon ay may hint na ang mga ito kung paano siya mahahanap.
“Do you think the culprit is a Morian? The one who summoned those monsters from earlier?”
“There's a big possibility.”
Napangisi siya matapos iyong marinig.
Mabuti nalang pala at may Morian sa kanilang school at gumawa ito ng kaguluhan kanina.
Umaayon sa kan'ya ang swerte.
Hindi siya paghihinalaan.
“Hindi nila 'ko mahahanap.” Nabuhayan ng loob niyang sabi tsaka malapad na ngumisi
“Excuse me? May kailangan ka?”
Imbis na sumagot sa tanong ng nurse na palapit sa kan'yang direks'yon ay mabilis nalang siyang tumakbo paalis.
Hindi nito p'wedeng makita ang itsura niya.
But too bad, because she left ay hindi niya na narinig pa ang mga sunod na sinabi ni Yeshin na sisira sa akala niyang matagumpay niyang pagbabalatkayo.
“What an idiot,” Naibulong nalang nang umiiling na si Yuora tsaka ibinaling ang tingin sa nagtatakang nurse dahil sa inasta nang estudyante na kinausap nito.
“What do you think, shin? Sa tingin mo ba Morian ang gumawa nito?” Rinig niyang tanong kay Yeshin
“No. It just make no any sense. If I were the culprit and I am a morian, I'll make sure to leave him breathless.” Sagot nito kaya gumuhit ang amused na ngisi sa kan'yang labi
“Truly amazing,” Bulong niya tsaka dire-diretsong lumakad palabas ng clinic.
At some point, it doesn't feel that bad meeting a sorian who has an intelligence that is beyond normal.
Nagkatinginan naman ang mga kasamahan ni Yeshin sa naging sagot niya. Biglang napaisip ang mga ito dahil may punto siya.
“That means, isang Sorian ang gumawa nito kay Remus? Pero bakit?”
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
Fantasy𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
