Kabanata 41

343 17 0
                                    

KABANATA 41

3RD PERSON's POV

“You're here, master.” Sambit ni Fiero matapos sumulpot ng headmaster sa silid na kinalalagyan nila kasama si Val na siyang inutusan niya upang sunduin ito.

“How is she?” May pag-aalala naman nitong tanong tsaka agaran na nilapitan si Yeshin na hindi maganda ang lagay ngayon.

“She has high fever,” Sagot niya.

“Have you called a healer?”

Tumango siya bilang sagot dito.

“I did. But they can't do anything about it since it's not a wound.” Aniya pa kasabay nang pagdating ng healer na may dalang isang maliit na planggana na naglalaman ng maligamgam na tubig.

“Good evening, Headmaster.” Bati nito kay Siron na tumango lang naman.

“I'll take care of Ms.Yeshi—”

“There's no need.” Nakatingin si Fiero at Siron matapos nila iyang sabay na sabihin.

Pareho namang napailing si Val at ang healer na may mapaglarong ngiti.

Akala mo kasi ay boyfriend na nag-aalala si Fiero para kay Yeshin habang parang ama naman nito si Siron.

Siron faked a cough bago muling nagsalita.

“You can leave that here on the table. Kami na ang bahala sa kan'ya.” Tumango nalang 'yong healer tsaka inilagay sa bedside table 'yong dala nitong planggana tsaka ito bahagyang yumuko bago umalis kaya naiwan silang tatlo.

Wala naman ng inaksaya pang oras si Fiero na agad lumapit sa may planggana at piniga ang bimpo na naroon din tsaka iyon inabot sa headmaster nang ilahad nito ang palad upang kunin ang bimpo.

No choice tuloy siya kung hindi ang iabot iyon dito.

Sinimulang punasan ng headmaster ang leeg at mga braso ni Yeshin at nang matapos ay inabot nito sa kan'ya ang bimpo na muli niya namang inilublob sa tubig at pinigaan bago iyon muling ibinalik dito.

Sa pagkakataon na ito ay inilapat na iyon ng headmaster sa noo ni Yeshin.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Val sa kanilang dalawa.

“This should be enough for now,” Ani Siron tsaka bumaling ng tingin kay Fiero at Val.

“You two should take a rest, I'll take care of he—” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang biglang magsalita si Yeshin.

“N-no...”

“D-don't...”

“W-why?”

Nagkatinginan sila't napamaang nalang nang makita ang pag-agos ng luha sa mga mata nito. They are too surprised to move.

“D-don't...d-don't die...”

Mukhang nananaginip si Yeshin ng masama.

Unang nakabawi sa kanilang tatlo ay si Siron na hinagod ang buhok ni Yeshin upang aluin ito.

“Ssshh, it's alright. Everything will be fine. Don't worry and just rest, child.” Ani Siron kay Yeshin na unti-unti namang tumigil ang luha mula sa pagtulo.

Nasapo naman ni Siron ang ulo nang kumirot iyon.

“Bring the headmaster back to his room,” Baling ni Fiero kay Val matapos niyang mapansin na kulang din sa tulog at pahinga ang headmaster na sigurado siya na marami ring iniisip na problema.

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon