𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍
YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
PAALALA: Make sure na binasa niyo po ang unang chapter na may nakalagay na INFO kasi po doon ko ibinigay 'yong mga definition ng salitang inimbento ko para sa istorya na ito. Hindi na po ako mag-e-explain dito kaya make sure na binasa niyo po iyon para hindi kayo malito sa meaning ng mga invented words na mababasa niyo.
_________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MALAKI ang kan'yang ngiti habang nililibang ang mga bata sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagpapakita ng magic tricks sa mga ito.
"Wow! Nawala! Ang galing mo talaga ate Shin."
"Ako pa ba?" Tugon niya tsaka may kunwari na kinuha sa likuran ng ulo ng bata at ipinakita iyon sa mga ito
Muli namang namangha ang mga ito matapos makita ang papel na rosas na kanina ay nag-laho.
Well, doing this kind of tricks is easy for her lalo pa't kontrolado niya ang hangin na kahit anong oras ay pwede niyang manipulahin upang ipunta sa iba't-ibang direks'yon ang rosas na papel upang palabasin na nag-laho ito.
"Isa pa po ate Shin!" Sabay-sabay na sabi ng mga bata na kulang nalang ay kuminang ang mga mata sa sobrang pagkamangha
Napangiti nalang siya nang magpa-cute ang mga ito.
"Sige, isa p-"
"Yeshin! Yeshin!"
Hindi niya nai-tuloy ang sasabihin matapos marinig ang malakas na boses ng kaibigan na kasalukuyang tumatakbo palapit sa kan'yang direks'yon.
Napangiwi na lamang siya dahil sa ingay nito. Kailangan ba talaga nitong ipag-sigawan ang kan'yang pangalan?
Huminto ito sa kan'yang harapan at humawak sa tuhod habang hinahabol ang kan'yang pag-hinga.
Mukhang malayo ang tinakbo nito.
Saan ba kasi ito pumunta?
"Ano bang mayro'n at sigaw ka ng sigaw ate Azuna? Para kang kakatayin na baboy." Sambit ng isa sa mga bata kaya agad na nag-tawanan ang mga kasamahan nito
Umayos naman ng tayo ang kaibigan tsaka pumaywang sa harapan ng mga ito.
Mukhang nakabawi na ito mula sa hingal.
"Manahimik ka nga r'yan, bata! At sinong baboy huh?! Tingnan niyo ang katawan ng isang Azuna Rifania, talaga namang napaka-ganda. At isa pa, dapat nga ay mag-pasalamat pa kayo sa akin dahil hindi ko ipinag-daramot sa inyo ang napaka-ganda kong tinig." Pagyayabang ng kaibigan na inirapan pa ang mga bata kasabay ng pag-hawi nito sa kan'yang buhok