Kabanata 59

568 22 8
                                    

KABANATA 59

3RD PERSON's POV

SUMALAMPAK nalang si Yeshin sa lupa tsaka siya humalumbaba at pinanood ang mga nangyayari.

She has no plan to interfere in her friends' fight. Well, as long as she don't see anyone in danger.

But that man named Dionne, he seems dangerous.

Mahirap itong basahin.

Napalingon siya sa direks'yon nila Azuna at napangiti nalang nang makitang nagpupuyos sa galit si Helga na mukhang nagpasya na ring seryosohin ang mga kaibigan niya matapos itong masapak ni Konor kanina.

Nagkaroon tuloy ng injury ang mukha nito.

Nakabangon na ito bago pa man ulit malapitan nila Konor kaya naman balik na naman sa pagdepensa ang mga kaibigan niya lalo na at mas lalo pang dumami ang mga palaso, spears, kunai, shuriken, at espada na lumalabas sa mga portal na ginawa nito kaya naman hindi maiwasan na hindi masugatan ang mga kaibigan niya.

Well, it's inevitable.

Napangisi nalang siya kalaunan nang unti-unting kumilos ang mga kaibigan na para bang alam na nila ang mga dapat na gawin.

Gumawa ng barrier si Carl na sapat lamang para magkasya silang magkakaibigan tsaka naman lumipad paitaas si Kaia habang hawak sa magkabilang braso si Ven na sinundan naman ni Remus.

Napatingala naman sa kanila si Helga na agad din pinapunta roon ang ilang palaso kaya mabilis na ipinagaspas ni Remus ang pakpak na papel dahilan para tumilapon ang mga iyon palayo. Sinamantala naman iyon ni Ven na agad naglabas ng laser beam sa kan'yang mga mata kaya mabilis na napaiwas si Helga.

Ginamit naman ni Crista ang kan'yang sigma na mga bolang usok at nang walang makita si Helga dahil sa mga iyon ay hindi na nito nagawa pang iwasan ang pagkontrol ni Clint sa lupa kaya na stuck ito roon at upang masiguradong hindi na talaga ito makakatakas ay binalot ni Quila ng vines ang katawan nito na hinagisan din naman ni Rina ng sigma nito na sticky balls.

Nag-shapeshift naman si Nico bilang isang asong lobo at mabilis naman ditong sumakay si Fler na inihanda na ang kamao nito habang patungo sila sa direks'yon ni Helga na gulat na gulat sa mga nangyayari.

Gamit naman ang tubig ay gumawa si Virenia ng barrier para protektahan ang dalawa habang si Mateo ay niyuyupi naman ang mga sandatang lumalabas sa mga portal.

Si Konor at Ophelia naman ang pumipigil sa ilang mga sandata na nakakalusot kay Mateo. Pinipigilan nila ang mga iyon sa pagtama sa barrier ni Carl kung nasaan ito maging si Angela na ginagamot naman ang sugat na natamo ni Azuna na pilit namang gumagawa ng portal upang doon papuntahin ang mga sandata ni Helga.

“They have an amazing teamwork.” Usal ni Yeshin na sakto naman sa pagtama ng kamao ni Fler sa sikmura ni Helga na agad tumilapon at napasuka ng dugo.

Nakabulagta na ito ngayon sa lupa na halatadong iniinda ang mga natamong sugat mula sa pag-atake ng mga kaibigan niya.

But is that the end?

She doubt it.

Napaatras ang mga kaibigan niya nang unti-unting bumangon ulit ang babae na bagama't malaki ang pinsalang natamo ay nagawa pang sumigaw nang malakas kasabay nang magkabuo ng portal sa mismong tiyan at mga palad na nito kung saan lumabas ang maraming kadena.

“That woman...may ibubuga rin pala siya.” Ani Yeshin na biglang sumeryoso ang ekspres'yon ng mukha matapos mapuluputan ng mga kadena ang kan'yang mga kaibigan.

Tatayo na dapat siya para tulungan ang mga ito dahil hinahatak na sila ng mga kadena papasok sa portal ni Helga subalit napatigil siya sa akmang pagtayo nang may sumulpot na dalawang lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon