Kabanata 51

350 19 2
                                    

Kabanata 51

3RD PERSON's POV

GULAT na napatingin kay Yeshin at Yuora ang mga kaibigan nila matapos nilang sumulpot sa tabi ng mga ito.

“Y-yuora!” Napatayo si Val na bakas ngayon ang tuwa sa mukha matapos makita ang dalaga na agad namang iniwas ang tingin sa kan'ya.

“Saan ka galing, Yuora? Pinuntahan kita sa dorm mo pero walang sumasagot. Hindi ka rin pumasok. May nangyari ba?” Usisa ni Val na pinaghatak pa ito ng upuan.

Napabuntong-hininga naman si Yuora at no choice na umupo roon nang senyasan siya ni Yeshin na tanggapin ang inaalok ni Val na upuan.

“You're so annoying,” Sambit niya sa isip at ngumisi naman ito.

I overslept. Medyo kagigising ko lang.” Tipid niya nalang na sagot kay Val.

“I see...Then, wala kang sakit?” Paninigurado nito at tumango naman siya tsaka ito nilingon.

Napailing nalang siya nang makita na ngumiti ito matapos mukhang makahinga nang maluwag dahil sa isinagot niya.

Isn't this guy weird?

He worried too much for her whom he just met a few days ago.

“YuPe, OVal, PeRa.” Biglang sambit ni Remus na ngayon ay nakangisi dahilan para mapahagalpak naman ng tawa ang mga kasamahan nila maliban kay Yuora na hindi iyon na gets habang si Yeshin, Fiero, at Mateo ay napaubo nalang at kalaunan ay ngumisi upang pigilan ang kanilang sarili na matawa.

Binatukan naman ni Val si Remus dahil sa kabaliwan nito.

“Ang bantot, VirUs.” Ganti ni Val kaya nagkatinginan si Virenia at Remus na siyang pinakagarapal kung tumawa sa kanilang magkakaibigan.

Sinamaan naman siya ng tingin ng mga ito kalaunan but he just smirked at them.

Kumunot naman ang noo ni Yuora. She's certain that something is going on but she can't understand it.

Why are they laughing?

And what does Remus means?

“Care to share why you're laughing?” Sambit niya at napaubo naman ang mga ito bago alanganin na ngumiti.

“It's nothing, Yuora. Nag-joke lang si Remus. Hehe.” Palusot nila but Yuora just stared at them with her emotionless eyes na tila ba sinusuri sila kaya napalunok nalang sila.

May kung ano kasi sa awra ni Yuora na nakakatakot.

Ano kaya ang sigma nito?

“I see.” Sambit nito kalaunan kaya nakahinga sila ng maluwag.

“By the way, Yuora. Ano nga palang sigma mo?” Kuryos nilang tanong dito dahil mukhang malakas din ito.

“Fire.” Simpleng sagot nito at natigilan naman sila.

That's so unexpected.

Apoy pala ang kapangyarihan nito? Hindi halata dahil ang cold nito.

“Wow! Pareho pala kayo ni Fiero.” Tumango lang si Yuora sa sinabi ng mga ito.

It was a lie. Her sigma isn't actually fire. But sure, she can create a fire using her sigma but it would be black.

Nagsimulang magk'wentuhan ang mga ito at panay din ang pagtatanong nila sa kan'ya kaya naman tatango na lamang siya o kaya ay magkikibit-balikat.

Sumulyap si Val kay Yuora at napatingin sa eye patch nito. Is that one of the reason why she seems to have no friends? Kaya iniiwasan siya ng karamihan?

Soriah Academy: The Unpredictable SorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon