KABANATA 35
NAKAGAT ni Fiero ang ibabang bahagi ng labi matapos madaplisan sa braso ng mahahaba at matutulis na kuko ng isa sa mga estudyante na kalaban.
Sinipa niya ito tsaka siya bumaling kay Siron na wala ring ibang magawa kung hindi ang mano-mano na labanan ang mga estudyante.
“Tsk!” Singhal niya.
Parang kanina lang ay maayos pa ang lahat subalit tingnan mo nga naman ngayon. Sobrang gulo na.
Before all of this happened. He was about to take a rest subalit naramdaman niyang may mga kakaibang enerhiya sa akademya kaya naman lumabas siya para sana hanapin si Yeshin but what he found was these students.
Hinarang siya ng mga ito kaya no choice siya kung hindi ang lumaban.
Nasaan kaya si Yeshin?
He knows that she's strong but he can't help but to worry about her.
Sana lang ay maayos ito.
Napalingon siya sa isang direks'yon nang makarinig ng pagsabog and his eyes immediately widened nang makita si Yeshin matapos mawala ng usok at alikabok sa paligid.
She's bleeding!
Tatakbo dapat siya malapit dito matapos makita na paatake ulit dito ang mga kalaban subalit nakagat niya nalang ang ibabang labi nang may sumipa sa kan'yang tagiliran.
“F**K!” Galit niyang sambit tsaka mabilis na binalanse ang katawan upang hindi tumilapon.
Nang makaayos ng tayo ay nanlilisik ang mata niyang nilingon ang kalaban na sumipa sa kan'ya.
He's about to burn her to death but Siron held his arm kaya napunta rito ang atens'yon niya.
Umiling ito bilang babala na huwag niyang gawin ang binabalak kaya napasinghal nalang siya't mariin na ikinuyom ang kamao as he tried to calm himself down.
“DAMN IT!” Inis niyang usal dahil hindi nila p'wedeng saktan ang mga ito.
Kung sino man ang may gawa nito ay matalino siya. Alam nito kung ano ang kahinaan nila at kung paano sila paglalaruan.
“AAAAAHHHHHH!” Sabay silang napalingon sa direks'yon ni Yeshin nang makarinig sila ng mga hiyaw mula roon at nagulat nalang sila nang makita na nakalutang na sa ere ang mga kalaban nitong estudyante.
Panay ang kawag ng mga ito sa kanilang mga paa. Hawak-hawak din nila ang leeg na tila may kung anong inaalis doon.
“S-she might kill them at this rate!” Sambit ni Siron.
“Jeez...I won't.” Ngiwing ani Yeshin dahil narinig niya ang sinabi nito.
She looked at the students in front of her na akala mo'y malalagutan na ng mga hininga.
“Just bear with it, a little bit longer.” Usal niya at unti-unti namang lumabas mula sa bibig ng mga ito ang violet na usok just like what she wants from the beginning.
“It finally left the students' body.” Sambit niya tsaka marahan na ibinaba sa lupa ang mga walang malay na estudyante.
Nagpaikot-ikot ang usok sa ere. Tila humahanap ng malilipatan subalit nang walang mahagilap ay sa direks'yon niya ito mabilis na pumunta.
“Not so fast,” Ngising sambit niya at kasabay nang pagtapat niya rito ng palad ay ang mabilis na pagbalot dito ng isang air ball.
Pilit na kumakawala ang violet na usok subalit bigo ito.
BINABASA MO ANG
Soriah Academy: The Unpredictable Sorian
خيال𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #2: 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐏𝐑𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life after her mother's death, but her life changed as her world turned upside down when she got involved...
